Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Epiko ni Gilgamesh"

Kinansela ang pagbabagong 1447925 ni 112.211.170.8 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 1447925 ni 112.211.170.8 (Usapan))
 
==Nilalaman ng mga tabletang pamantayang bersiyon ==
===Tabletang una=== <3
Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay [[Gilgamesh]] na hari ng [[Uruk]]. Si Gilgamesh na 2/3 diyos at 1/3 tao ay umaapi sa kanyang mga tao na umiiyak sa mga diyos para tulungan. Para sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong [[droit de seigneur]]&nbsp;— o "karapatan ng panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa kanilang gabi ng kasal. Para sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang pagtatrabaho sa mga proyekto ng pagtatayo. Ang mga [[Diyos]] ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang katumbas kay Gilgamesh upang lituhin ito. Ang mga diyos ay lumikha ng isang primitibong tao na si [[Enkidu]] na natatakpan ng buhok at nabubuhay sa parang kasama ng mga hayop. Siya ay nakita ng isang tagapagbitag na ang kabuhayan ay nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh ang tungkol sa lalake at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang [[patutot]]. Ang pang-aakit kay Enkidu ni [[Shamhat]] na isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang tungo sa kabihasnan at pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi na ibalik siya sa Uruk. Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng mga panaginip na nauukol sa malapit na pagdating ng isang minamahal na bagong kasama.
 
12

edit