Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Helen Keller"

 
== Talambuhay ==
Ipinanganak sa [[Tuscumbia|TuscuTuscumbiambia]], [[Alabama]] si Keller. Noong [[Pebrero]], [[1882]], labing-siyam na buwan pa lamang siya, nagkaroon siya ng [[lagnat]] na naging sanhi ng kanyang kapansanan. Naging malaking gulat sa kanya at mga magulang ang pagkawala ng kanyang abilidad na [[komunikasyon|makipagtalastasan]] sa murang edad at dahil dito mahirap na siyang panatalihin, at itinuring na [[balasbas]]. Ngunit dahil sa pagtutok sa kanya ng isang guro mula sa Paaralan para sa Bulag ng Perkins, Boston na si [[Anne Sullivan]] nalampasan niya ang kanyang mga kapansanan. Naturuan si Keller kung paano makipag-ugnayan. Una, natutunan niya kung paano alamin ang alpabetong sinesenyas sa kanyang kamay na nasundan ng "pag-alam" ng mga pangalan ng mga bagay. Sa loob ng dalawang taon, naturuan siya kung paano magbasa at magsulat sa [[sistemang Braille]]. Nang lumaon, natuto siyang magsalita sa pamamagitan ng paghipo sa kanyang lalamunan at pagdama sa pag-ugong ng kanyang tinig. Nakatuntong sa dalubhasaan o kolehiyo si Keller, habang kasama at katabi si Sullivan. Bukod sa pagsusulat, tumulong rin si Keller sa iba pang mga taong hindi nakakakita at hindi nakaririnig ng buong mundo.<ref name=WWT>{{cite-WWT|''Who was Helen Keller?''}}, pahina 71.</ref>
 
== Mga sanggunian ==
Hindi nakikilalang mga tagagamit