Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Esperanto"

m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.198.64.14 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 201.82.188.36)
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
 
== Kasaysayan ==
Ang Esperanto ay nilikha ni Dr. Ludwig Lazarus Zamenhof, isang optalmologong Hudyo mula sa Biyalistok na bahagi ng dating Imperyong Ruso, noong mga taong 1870 hanggang 1880. Ayon sa kanya, ginawa niya ang wikang ito upang palaganapin ang pagkakaisa ng bawat tao sa iba't ibang bansa.
 
Matapos ang sampung taong pagsisikap na mabuo ang wika, isalin ang ilang mga akda at literatura sa Esperanto at gumawa ng mga orihinal na tula at kuwento sa wikang ito, nailimbag ang unang aklat tungkol sa balirala ng Esperanto na pinamagatang ''Unua Libro'' noong Hulyo 1887. Tumaas ang bilang ng mga tagapagsalita nito sa loob lamang ng ilang dekada, una'y mula sa Imperyong Ruso at Silangang Europa, matapos ay sa Kanlurang Europa, [[Amerika]], [[Tsina]] at [[Hapon]].
1,628

edit