Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Marte"

walang buod ng pagbabago
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Ang '''Marte''' o '''Mars''' ay ang ika-apat na [[planeta]] mula sa [[Araw (astronomiya)|Araw]] sa ating [[Sistemang Solar]]. Ipinangalan ito sa [[Mitolohiyang Romano|Romanong diyos]] ng digmaan ([[Ares]] sa [[Mitolohiyang Griyego]]). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Daigdig sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang [[Phobos (buwan)|Phobos]] at [[Deimos (buwan)|Deimos]], na maliliit at kakaiba ang hugis at posibleng nakuhang mga [[asteroyd]] katulad ng [[5261 Eureka]]. Makikita ang Marte mula sa [[Daigdig]] sa pamamagitan ng hubad na mata (naked eye) na may kaliwanagan ng hanggang -2.9 magnitud, nilalagpasan lamang ng [[Venus]], [[Buwan (astronomiya)|Buwan]] at Araw.
 
Tumutukoy ang unlaping ''areo-'' sa Marte katulad sa pagtukoy ng ''geo-'' sa Daigdig — halimbawa, ang ''areolohiya'' laban sa ''[[heolohiya]]''. Ginagamit din ang '''areolohiya''' (''areology'') bilang pangtukoy sa pag-aaral sa Marte sa isang kabuuan sa halip sa mga prosesong heolohikal ng planeta. Sa salitang Griyegong, ''Arēs'' ay Marte. Ang [[simbolong astronomikal]] ng Marte ay ♂, isang bilog na may palaso na tumuro sa hilaga-silangan. Kinakatawan ng simbolong ito ang kalasag at sibat ng diyos na Marte, at sa [[biyolohiya]], ginagamit ito bilang tanda para sa kasariang [[lalaki]].
 
Tumutukoy sa [[Tsina|Intsik]], [[Hapon (bansa)|Hapon]], [[Korea|Koryano]] at [[Vietnam]]es na mga kultura ang planeta bilang 火星, or ''bituing apoy'', isang pagpapangalan na nakabatay sa lumang mitolohikal na Intsik ng sirkulo ng [[Limang elemento (pilosopiyang Intsik)|Limang Elemento]].
1,618

edit