Andrés Bonifacio: Pagkakaiba sa mga pagbabago
walang buod ng pagbabago
No edit summary |
|||
===Paglitis at pagbitay===
Kinondena ng mga dalubhasa sa kasaysayan ang paglitis sa magkapatid na Bonifacio bilang hindi makatarungan. Binubuo ang hukom ng halos mga kaanib ni Aguinaldo; Ang abogado ni Bonifacio ay tila naging tagausig niya rin dahil inihayag din niya ang pagiging may sala ni Bonifacio kaysa sa umapela para sa higit na mababang parusa; hindi rin pinayagan si Bonifacio na harapin ang mga punong saksi para sa mga kasong pakikipagsabwatan sa kadahilanang napaslang na ang mga ito sa mga labanan, subalit lumaon ay nakita ang mga saksi kasama ang mga tagausig.<ref name="constantinopp190-191">{{Harvnb|Constantino|1975|pp=190–191}}</ref><ref name="villanuevapp60,64">{{Harvnb|Villanueva|1989|pp=60,64}}.</ref> Isinulat ni Teodoro Agoncillo na isang malaking hadlang si Bonifacio sa pagpapahayag ng kapangyarihang sumasalungat kay Aguinaldo sa himagsikan, dahil hinahati nito ang lakas ng mga rebelde na maaaring magdulot ng tiyak na pagkatalo sa kanilang kalabang mga Kastila.
Sa kabaligtaran, isinulat ni [[Renato Constantino]] na hindi hadlang si Bonifacio sa himagsikan sa pangkalahatan dahil nais pa rin niyang labanan ang mga Kastila, at hindi rin hadlang sa himagsikan sa Kabite dahil siya ay aalis na; subalit tiyak na hadlang si Bonifacio sa mga pinuno sa Kabite na nais makuha ang pamamahala ng himagsikan, kaya siya pinatay.
}}
May ilang mga dalubhasa sa kasaysayan tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnación, at Ramón Villegas ang nagtutulak na kilalanin si Bonifacio bilang unang Pangulo ng Pilipinas kaysa kay Aguinaldo, ang opisyal na kinikilalang pangulo. Ang paniniwalang ito ay nakabatay sa posisyon nitong ''Supremo'' sa pamahalaang himagsikan ng ''[[Katipunan]]'' mula 1896-1897. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay diin na si Bonifacio ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng ''Katipunan'' bago pa nakabuo ng pamahalaang pinamunuan ni Aguinaldo sa pamamagitan ng Kapulungan ng Tejeros. Isinulat ni Guerrero na mayroong konsepto si Bonifacio na bansang Pilipinas na tinawag na ''Haring Bayang Katagalugan'', na pinalitan ni Aguinaldo ng konseptong ''Filipinas''.<ref name="
===Si Bonifacio bilang pambansang bayani===
Pangkahalatang tinuturing si José Rizal bilang Pambansang bayani, subalit iminumungkahi si Bonifacio bilang higit na karapat-dapat na kandidato bilang pambansang bayani dahil siya ang nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.
==Mga buto ni Bonifacio==
|