Francisco Dagohoy: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.32.172 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 180.191.66.138
Linya 1:
Si '''Francisco Sandrijas''', na mas kilala bilang '''Francisco Dagohoy''' ay isang bayaning Pilipino na [[taga-Bohol]]. Si Francisco Dagohoy ay ipinanganak sa Inabangan, Bohol noong ika-17 Dantaon. Walang kasulatan ukol sa kanyang kapanganakan, kabataan at magulang.^_^
 
== Pamilya ==
 
Ang kanyang kapatid na alagad ng batas ay inatasan ng Heswitang pari ng Distrito ng Inabangan, si Padre Gaspar Morales, na dakpin ang isang katutubong lumabag sa batas. Ngunit and kapatid ni Dagohoy ay siya pang napatay.
 
== Kamatayan ==
 
Nang dalhin ni Dagohoy ang bangkay ng kapatid sa bayan para sa Kristyanong libing, ito ay tinanggihan ni Padre Morales. Anya, hindi maibibigay ang Kristyanong libing sa isang namatay sa pakikilaban. Nagalit si Dagohoy at sumumpang maghihiganti. Nakahikayat siya ng 3,000 katao na sumama sa kanya sa kabundukan. Ang una nilang pagsalakay, noong 1744 ay sa lupaing pag aari ng Heswita.
 
Sa kabundukan, pagitan ng Inabangan at Taliban tinitag ni Dagohoy ang kanilang kuta. Doon idineklara niya ang kalayaan ng Bohol. Nagtayo ng moog na tanggulan ng paligid at ng mga bahay para sa dumaraming sumapi sa kanya. Nagtanim sila ng pagkain na ikabubuhay. Patuloy silang sumalakaysa mga bayang hawak ng Kastila.
 
Sinalakay nila ang mga kampo ng Kastila, simbahan at mga lupang ari ng Heswita. Marami silang pinatay na Heswitang pari, isa na rito si Padre Morales, dating kaaway ni Dagohoy. Nang tumagal, hindi na pansariling dahilan kundi ang kalayaan ng Bohol ang ipinaglalaban.
 
Nang laganap na ang balita ng mga tagumpay ni Dagohoy laban sa Kastila sa Bohol, nangamba ang pamahalaang kolonyan. Isang hukbo ang ipinadala sa Bohol na pinamumunuan ni Don Pedro Lechuga. Ngunit tinalo ni Dagohoy ang mga hukbo at umatras sa Zamboanga ang mga Kastila. Sinubukan din ng gobyerno ang payapang paraan ng paghimok sa kanilang tigilan na ang labanan ngunit hindi ito nangyari.
 
Nang palitan ng mga Rekoletos ang mga Heswita sa Bohol, pumayag si Dagohoy na makipag-usap. Hinimok siya ng mga Rekoletos na sumuko na ngunit magalang itong tumanggi. Kahit si Gobernador-Heneral Jose Raon ay nangakong patatawarin ang mga rebelde kung susuko, ngunit tumanggi rin si Dagohoy. Naniniwala siyang masaya ang tao na malaya.
 
May palagay na namatay si Dagohoy bago nag 1829. Ipinagpatuloy ng mga rebelde ang laban para sa kalayaan. Ang himagsik ni Dagohoy ay tumagal ng 85 taon, mula 1744 hanggang 1829, nang madaig ang mga Filipino. May 19,420 Boholano ang sumuko, 3,000 ang tumakas at 400 ang namatay sa laban. Humanga ang Gobernador-Heneral sa tapang ng mga rebelde kaya't pinatawad niya ang mga ito at hinayaang manahang tahimik sa Butuan, Balilihan, Catigbian at Bilar.<ref name="test">[http://aboutfilipino.com/mga-halimbawa-ng-talambuhay/talambuhay-francisco-dagohoy Talambuhay ni Francisco Dagohoy - AboutFilipino], Talambuhay ni Francisco Dagohoy.</ref>
 
== Mga sanggunian ==
<references />