Dario I ng Persiya: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.210.166.27 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Xqbot
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.210.166.27 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Xqbot)
Si '''Dario I ang Dakila'''<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|Dario, ''Darius'', ayon sa pagpapakilala ng ''[[Aklat ni Ageo]]''}}</ref> ([[wikang Ingles|Ingles]]: '''''Darius I the Great'''''<ref name=NBK>{{cite-NBK|Darius the Great}}</ref>; c. [[549 BC]] - [[486 BC]]/[[485 BC]]) ay ang anak ni [[Hystaspes]], at [[Shah]] ng [[Iran]] mula 522 BC hanggang 485 BC. Matapos niyang maging Shah ng Iran, hinati niya ang [[Imperyong Persa]] ''(Persian)'' sa dalampu't-dalawang mga lalawigan at nagtalaga ng mga gobernador sa bawat lalawigan. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga [[Hudyo]] ang [[Templo ni Solomon]] sa [[Herusalem]]. Marami rin siyang itinayong mga templo sa [[Ehipto]]. Pinakamalaki sa mga itinayo niyang gusali ang kapitolyo ng [[Persepolis]], malapit sa [[Pasargadae]]. Namatay si Dario sa Persepolis. Hiniwa para maging isang batong-mukha ang kaniyang [[libingan]], nilagay malapit sa Persepolis. Makaraan ang kaniyang pagsakabilang-buhay, si [[Jerjes]] ang naging Shah ng Iran.
 
== gintong kuwaltaPaglalarawan ==
Tinatawag din siyang '''Dario I''' ('''Darius I''' o '''Darius Hystaspis'''). Pinutungan siya ng korona ng pagkahari noong [[521 BC]]/[[522 BC]]. Siya ang pinakaunang Oryental o Taga-Silangang mananakop na nakapagpaabot ng kaniyang imperyo sa [[Europa]]. Ginawa niyang isang magiting at makapangyarihang hukbong-pandagat sa Asya ang Persiya. Sinimulan at pinaunlad niya ang paggamit ng mga kuwaltang metal at pinagpare-pareho ang mga ito. Pinasimulan din niya ang regular na pangungolekta ng buwis, sistema ng mga daan, at maging ang sistema ng pagpapadala ng mga liham.<ref name=NBK/>
== ==
 
Pinamahalaan ni Dario ang isang imperyo na umaabot mula sa [[Ilog Indus]] magpahanggang [[Dagat Aegean]], kabilang ang Ehipto at [[Babylonia|Babilonya]]. Bilang paghahambing, hindi nakapaghari ng ganitong kalawak ang [[Asiria]]. Itinuturing na pinakamalaking imperyo na napagmasdan ng mundo ang Imperyo ng Persiya; bukod sa Ehipto at Babilonia, nasasakupan din nito ang [[Turkiya]], [[Israel]], [[Hordan]], [[Lebanon]], [[Siria]], [[Irak]], [[Apganistan]], at bahagi ng [[Hilagang Pakistan]].<ref name=NBK/>
 
== Pananampalataya at paniniwala ==
Sinusunod ni Dario ang mga pagtuturo ni [[Zoroaster]], isang propetang Persa ''(Persian)''. Itinuro ni Zoroaster na isang palagiang paglalaban ng diyos ng kabutihan (si Ahura-Mazda) at ng isang espiritung masama ang buhay; sinabi pa ng propeta na nararapat na pumanig sa kabutihan at sa katarungan ang isang marunong na tao, na nangangahulugang dapat panatilihin ng isang pinuno - katulad ni Dario - ang kapayapaan at kaayusan sa kaniyang mga nasasakupan. Dahil sa kaniyang paniniwala kay [[Ahura-Mazda]] at sa [[Zoroastriyanismo]], binigyan ni Dario ng sapat na kalayaan ang kaniyang mga mamamayang pinaghaharian basta't mananatili silang mapayapa. Nakapapamuhay ang mga mamamayang ito ng pribado at hindi pinakikialaman ng lubos habang kinikilalang nilang "hari ng mga hari" si Dario, at patuloy ang pagbabayad nila ng buwis.<ref name=NBK/>
 
== Pamamaraan at pamamalakad ==
Upang masegurong regular ang pagbabayad ng buwis ng mga mamamayan, naglagay si Dario ng mga gobernador sa bawat distrito ng imperyo; at nagtalaga naman siya ng mga sarili niyang "mata at tainga" (mga tagapagmasid) upang pagmanmanan o tiktikan ang mga gubernador na itinilaga niya.<ref name=NBK/>
 
== Transportasyon at komunikasyon ==
Naglatag ng mga daan ang mga Persa ''(Persian)'' sa pagitan ng mga pangunahing lungsod ng imperyo. Nagkaroon ng mga estasyong hintuan at pamahingahan kada 14 na milya kung saan mayroong mga gusaling tulugan at mga himpilang-kuwadra ng mga [[kabayo]]. Nagpapalit ng mga kabayo ang mga mensahero sa bawat himpilan upang makapaglakbay sila ng mas malalayong distansiya sa lalong mabilis na panahon. Sa loob ng dalawang linggo, nakapaghahatid sila ng isang liham kahit na mga 1,500 milya ang kahabaang-sukat ng paglalakbay.<ref name=NBK/>
 
== Sanggunian ==
{{reflist}}
{{Median and Achaemenid kings}}
{{Pharaohs}}
251

edit