Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imperyong Romano"

DInagdag ang Heograpiya at Demograpiya
m
(DInagdag ang Heograpiya at Demograpiya)
Ang bilang ng lehiyong Romano, na sumukdol sa halos 50 dulot sa mga giyera sibil, ay bumaba sa 28. Marami rito ang binuwag lalo kung saan hindi tanto ang katapatan,. Ang ibang lehiyon ay pinagsama tulad ng ipinahihiwatig ng titulong Gemina (Kambal). Nagbuo rin si Augusto ng siyam na espesyal ng cohorts na maliwanag na ginawa upang mapanatili ang kapayapaan sa Italia at kung saan mga tatlo rito ay naka-himpil sa Roma. Ang mga cohorts na ito ay tinawag ng Guardyang Praetoria.
[[Talaksan:Roman empire.png|200px|right|thumb|Ang Imperyong Romano sa kaniang pinakamakapangyarihang panahon 117 AD.]]Natanto ni Octavio na maraming daang taong nang hindi nararanasan ng mga Romano ang autokrasya at paghahari, at kaya nangingilag sila sa kanya. Hindi niya gustong tingalain siya bilang isang diktador. Kanyang pinanatili ang ilusyon na isang republikang konstitusyonal ang pamahalaan. Kanyang ipinakita na parang gumagana pa ang batas ng Republikang Romano. Kahit na ang ibang nakalipas na mga diktador tulad ng malupit na si [[Lucius Cornelius Sulla]], maikling panahon lamang (hindi hihigit sa isa o dalawang taon maliban kay Julio Cesar) , ang pamumuno nila sa Roma. Noong siglo 27, opisyal na sinubukan ni Octavio na ilipat ang lahat ng extraordinaryong kapangyarihan niya sa Senadong Romano. Sa isang pagkukunwari, kaalyado niya ang mga senador noong panahong iyon at kaya’y nagmakaawa sa kanya na sa kanya na lamang ang mga kapangyarihang ito para sa kapakanan ng republika at bayan ng Roma. Naiuulat ang pagtatangkang pagbaba bilang isang konsulado ni Octavio ay nagdulot ng kaguluhan sa mga Plebiano sa Roma. Isang kompromiso sa pagitan ng Senado at ni Octavio ang napagkasunduan na tinawag na Unang Kasunduan. Ang kasunduang ito ang nagbigay ng lehitimong pamumuno ni Augusto bilang isang autokrata ng bayan at nagtatalaga na hindi siya tatawaging malupit na puno na naging simula ng mahabang panahon na tatawing Pax Romana.[[Talaksan:Toga Illustration-2.svg|left|thumb|Isang Romano na nakasuot ng [[toga]]]]
 
Hinati ni Octavio sa pagitan niya at sa Senado ang pamamahala ng mga lalawigan. Ang mga hindi masupil ng lalawigan sa mga hanggahan kung saan nakahimpil ang kalakhan ng sandatahang pandigma ay nasa ilalim ng mga legadong imperyal na pinili ng mismong emperador. Tinawag ang mga probinsiyang ito na probinsiyang imperyal. Ang mga gobernador ng mga mapayapang probinsiyang senatorial ay pinili ng Senado. Mapayapa ang mga probinsiyang ito na nangangailan lamang isang lehiyon tulad ng lalawigan ng Africa.
[[Talaksan:Roman empire.png|200px|right|thumb|Ang Imperyong Romano sa kaniang pinakamakapangyarihang panahon 117 AD.]]
 
Sa pagsubok napagsanggalang ang paligid ng imperyo sa mga ilog ng Danube at Elbe, iniutos ni Octavio na lusubin ang Illyria, Moesia, at Pannonia (timog ng Danube), at Germania (kanluran ng Elbe). Noong una, ang lahat ay ayon sa plano ngunit disastre ang sumunod. Ang mga tribo ng Illyrio ay nagsipag-alsa na kailangang lupigin. Ang tatlong sandatahang liga sa ilalim ni ''Publius Quinctilius Varus'' ay tinambangan at nilupig sa Labanan sa Kagubatan ng Teutoburgo noong 9 AD ng mga barbarong Aleman sa pamumuno ni Arminius. Maingat na binantayan ni Augusto ang buong teritoryo nito sa kanluran ng Rhine at nakuntento na lamang siyang gumanti sa pamamagitan ng panloloob. Ang ilog ng Rhine at Danube ang naging permanenteng hanggahan ng imperyong Romano sa timog.
[[Talaksan:Toga Illustration-2.svg|left|thumb|Isang Romano na nakasuot ng [[toga]]]]
 
== Prinsipado at Dominado ==
 
Tradisyonal na ipinakikita ng mga mananalaysay ang pagkakaiba sa pagitan ng [[Prinsipado]], ang panahon na sumunod kay Augusto hanggang sa Krisis ng Siglo 3, at [[Dominado]], ang panahon mula kay [[Diocletiano]] hanggang sa katapusan ng imperyo sa kanluran. Ayon sa pagkakaibang ito, noong [[Prinsipado]] (mula sa salitang Latin na princeps, “unang mamamayan”) ang katotohanan ng absolutismo ay pormal na nakakubli sa pormang gobyernong republikano habang noon namang Dominado (mula sa salitang dominus “panginoon” o “may-ari”) lantad ang imperyong kapangyarihan na may koronang ginto at mabulaklak na pang-imperyong rituwal. Kamakailan, itinatag ng mga mananalaysay na ipinahihiwatig ang situwasyon ito: ang ilang porma ay nagpatuloy hanggang panahong Bizintino, libong taon matapos itong lalangin. Ang pagpapakita ng imperyong kortes ay karaniwan na sa simula pa man ng Imperyo.
 
== Heograpiya at demograpiya ==
Ang Imperyong Romano ang isa sa mga pinakamalawak sa kasaysayan, na may teritoryo sa Europa, Hilagang Africa, at Gitnang Silangan. Ang ideyolohiyang ang Imperyo ay walang-hangganan sa lawak at panahon ay ipinapahayag ng pariralang Latin na ''imperium sine fine'' ("imperyong walang hangganan"). Sa ''Aeneid'' ni Vergil, sinasabing ang walang-hangganang imperyo ay ipinagkalooban sa mga Romano ng kanilang pangunahing Diyos na si Jupiter. Ang ideyang ito ay muling ipinahayag noong naging Kristiyano ang Imperyo noong ikaapat na siglo.
 
Ang kalakhang bahagi ng paglawak ng sakop nito ay natamo noong panahon na ito ay isang Republika pa. Ang ilang bahagi ng Hilagang Europa ay nadagdag noong unang siglo AD, kung saan ang kontrol ng Roma sa Europa, Africa, at Asya ay pinalakas. Naabot ng Imperyo ang pinakamalawak nitong teritoryo noong pamununo ni Trajan noong 117. Napasa-ilalim ng Roma ang limang milyong kilometro kwadrado ng lupain na bahagi ng teritoryo ng apatnapung bansa sa makabagong panahon. Ang pagtatayang 55-60 milyong katao na nanirahan sa mga lupain ng Imperyo ay sinasabing bumbuo sa 1/6 hanggang sa 1/4 ng kabuuang populasyon ng tao noong panahong iyon. Ito ang may pinakamalaking populasyon sa mga bansa sa Kanluran, at hindi ito muling naabot hanggang sa ika-19 na siglo. May mga pag-aaral na tinatayong umabot hanggang 100 milyon ang populasyon ng Imperyo.<ref name="Population and demography">Walter Scheidel: ''[http://www.princeton.edu/~pswpc/pdfs/scheidel/040604.pdf Population and demography]'', Princeton/Stanford Working Papers in Classics, Version 1.0, April 2006, p. 9</ref>
 
== Mga sanggunian ==