Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Alejandrong Dakila"

m
Kinansela ang pagbabagong 1457098 ni 180.191.80.6 (Usapan)
m (Kinansela ang pagbabagong 1457098 ni 180.191.80.6 (Usapan))
}}
 
persia Si '''Alejandro III ng Macedon''' (20/21 Hulyo 356 – 10/11 Hunyo 323&nbsp;BCE) na kilala bilang '''Alejandro ang Dakila''' o '''Dakilang Alejandro''' ({{lang-el|Ἀλέξανδρος ὁ Μέγας}}, ''Aléxandros ho Mégas''{{cref|iii}} from the Greek {{lang|grc|ἀλέξω}} ''alexo'' "ipagtanggol, tulungan" + {{lang|grc|ἀνήρ}} ''aner'' "man") ang hari ng [[Macedonia|Macedon]] na isang estado ng hilagaang [[Sinaunang Gresya]]. Siya ay ipinanganak sa [[Pella]] noong 356&nbsp;BCE. Siya ay inaralan ni [[Aristoteles]] hanggang sa edad na 16. Sa edad na 30, kanyang nilikha ang isa sa pinakamalaking imperyo sa sinaunang daigdig na sumasaklaw mula sa [[Dagat Ionian]] hanggang sa mga [[Himalaya]].<ref>{{cite web|title=Alexander the Great (356 - 323 BC)|url=http://www.bbc.co.uk/history/historic_figures/alexander_the_great.shtml}}</ref> Siya ay hindi natalo sa digmaan at itinuturing sa kasaysayan na isa sa mga pinakamatagumpay na mga komander.<ref>{{harvnb|Yenne|2010|page=159}}</ref>
 
Hinalinhan sa trono ni Alejandro ang kanyang amang si [[Felipe II ng Macedon]] noong 336&nbsp;BCE pagkatapos paslanging si Felipe II. Sa kamatayan ni Felipe, namana ni Alejandro ang isang malakas na kaharian at may karanasang hukbo. Siya ay ginawaran ng pagkaheneral ng Gresya at gumamit sa kapangyarihang ito upang ilusan ang mga planong pagpapalawig na pang-hukbo ng kanyang ama. Noong 334&nbsp;BCE, kanyang sinakop ang pinamunuan ng Persia na [[Asya Menor]] at nagpasimula ng mga sunod sunod pakikidigma na tumagal ng 10 taon. Binali ni Alejandro ang kapangyarihan ng Persia sa sunod sunod na nagwaging digmaan na kinabibilangan ng [[Labanan sa Issus]] at [[Labanan sa Gaugamela]]. Kalaunan niyang pinatalsik ang haring Persa ''(Persian)'' na si [[Dario III]] at sumakop sa kabuuan ng [[Imperyong Akemenida]]. Sa puntong iyon, ang kanyang imperyo ay sumaklaw mula sa [[dagat Adriatiko]] hanggang sa [[Ilog Indus]]. Sa paghahangad niyang maabot ang "mga dulo ng mundo at ang dakilang panlabas na dagat", kanyang sinakop ang [[India]] noong 326&nbsp;BCE ngunit kalaunang napaurong sa paghiling ng kanyang mga hukbo. Namatay si Alejandro sa [[Babilonya]] sa edad na 32 noong 323&nbsp;BCE nang hindi nagsagawa ng sunod sunod na planadong mga pakikidigma na nagsimula sa kanyang pananakop ng [[Arabian Peninsula|Arabia]]. Sa mga sumunod na taon pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang sunod sunod na mga digmaang sibil ang naghati sa kanyang imperyo na humantong sa ilang mga estadong pinamunuan ng [[Diadochi]] na mga natitirang heneral ni Alejandro at mga tagapagmana. Ang kanyang pamana ay kinabibilangan ang pagkalat ng kultura na dinulot ng kanyang mga pananakop. Kanyang itinatag ang mga 20 siyudad na ipinangalan sa kanya na ang pinakakilala ang [[Alehandriya]] sa Ehipto. Ang pagtira ng ng mga kolonistang Griyego ni Alejandro at ang nagresultang pagkalat ng kulturang Griyego sa silangan ay nagresulta sa isang bagong [[kabihasnang Helenistiko]] na ang mga aspeto ay makikita pa rin sa mga tradisyon ng [[Imperyong Bizantino]] noong gitnang ika-15 siglo CE. Si Alejandro ay naging maalamat bilang isang klasikong bayani sa molde ni [[Achilles]]. Siya ay prominenteng makikita sa kasaysayan at mitong Griyego at mga kulturang hindi Griyego. Siya ay naging sukatan na pinaghahambingan sa sarili ng mga pinunong militar at ang mga akademiyang militar sa buong mundo ay nagtuturo pa rin ng kanyang mga taktika.
464

edits