Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pang-abay"

5,149 bytes added ,  6 years ago
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.200.117.55 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Ruy Pugliesi
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.200.117.55 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Ruy Pugliesi)
{{wikibooks|Pang-abay}}
wala akong ma sabi XD joke lang ka babayan
Ang '''pang-abay''' o '''adberbyo'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Pang-abay, adberbyo, ''adverb''}}</ref> ay mga [[salita]]ng nagbibigay turing sa [[pandiwa]], [[pang-uri]] o kapwa pang-abay. Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay: ang '''pang-abay na pamanahon''', '''pang-abay na panlunan''', '''pang-abay na pamaraan''', '''pang-abay na pang-agam''', '''pang-abay na panang-ayon''', '''pang-abay na pananggi''', '''pang-abay na panggaano''' (tinatawag ding '''pang-abay na pampanukat'''), '''pang-abay na pamitagan''',<ref name=Mamsha>[http://mamsha.tripod.com/id22.html Pang-abay], mamsha.tripod.com</ref> at ang '''pang-abay na panulad'''.
 
==Mga uri ng pang-abay==
Kabilang sa mga uri ng pang-abay ang mga sumusunod:
 
===Pang-abay na pamanahon===
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may pananda ang ''nang'', ''sa'', ''noon'', ''kung'', ''kapag'', ''tuwing'', ''buhat'', ''mula'', ''umpisa'', at ''hanggang''. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok ''nang'' araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad ng ''kahapon'', ''kangina'', ''kanina'', ''ngayon'', ''mamaya'', ''bukas'', ''sandali'', at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood kami ''bukas'' ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng ''araw-araw'', ''tuwing umaga'', ''taun-taon'', at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "''Tuwing'' buwan ng [[Mayo]] ay nagdaraos kami sa aming pook ng [[santakrusan]]."<ref name=Mamsha/>
 
===Pang-abay na panlunan===
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak."<ref name=tl>[http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_pang-abay_na_panlunan Ano ang pang-abay na panlunan], tl.answers.com</ref> Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang ''sa'', ''kina'' o ''kay''. Ginagamit ang ''sa'' kapag ang kasunod ay isang [[pangngalang pambalana]] o isang [[panghalip]]. Samantala, ginagamit naman ang ''kay'' at ''kina'' kapag ang kasunod ay [[pangngalang pantangi]] na pangalan ng isang tao. Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda ''sa'' kantina." at ang "Nagpaluto ako ''kina'' Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan mo."<ref name=Mamsha/>
 
===Pang-abay na pamaraan===
Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang ''nang'', ''na'', at ''-ng''. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit."
 
===Pang-abay na pang-agam===
Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang ''marahil'', ''siguro'', ''tila'', ''baka'', ''wari'', ''parang'', at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami na ''marahil'' ang nakabalita tungkol sa pasya ng [[Sandiganbayan]]."<ref name=Mamsha/>
 
===Pang-abay na panang-ayon===
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang ''[[oo]]'', ''opo'', ''tunay'', ''sadya'', ''talaga'',syempre'' at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."
 
===Pang-abay na pananggi===
Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng ''hindi'', ''di'' at ''ayaw''. Halimbawang pangungusap para rito ang "''Hindi'' pa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".
 
===Pang-abay na panggaano o pampanukat===
Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng [[timbang]], bigat, o [[sukat]]. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga. Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra."<ref name=Mamsha/>
 
===Pang-abay na pamitagan===
Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng [[paggalang]]. Halimbawang pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"<ref name=Mamsha/>
 
===Pang-abay na panulad===
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armando ''kaysa'' kay Cristito."<ref name=TA>[http://www.takdangaralin.com/filipino/pang-abay/ano-ang-pang-abay-mga-uri-ng-pang-abay/ Ano ang Pang-abay? Mga Uri ng Pang-abay], Takdang Aralin, takdangaralin.com</ref>
 
== Mga sanggunian ==
{{Reflist}}
 
[[Kategorya:Wika]]
110

edit