Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Poland"

Pagsasapanahon
(Bagong Punong Ministro)
(Pagsasapanahon)
Isang [[demokrasya]] ang Polonya, ayon sa [[Saligang Batas ng Polonya|saligang batas]] na inangkin nito noong 1997. Pinamumunuan ito ng isang [[pangulo]] bilang [[pinuno ng estado]], ngunit nakatuon ang balangkas ng pamahalaan sa isang [[punong ministro]] ({{lang-pl|premier}}) bilang [[pinuno ng pamahalaan]], na nakasentro sa [[Konseho ng mga Ministro (Polonya)|Konseho ng mga Ministro]] bilang [[gabinete]] nito. Binubuo ang Konseho ng mga ministrong ipinili ng Pangulo sa payo ng Punong Ministro, at karaniwa'y nagmumula sa partidong may mayoridad sa tagapagbatas ang mga ministrong bumubuo nito.
 
Kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Polonya si [[Bronisław Komorowski]], na inihalal noong 2010 makatapos namatay ang nanguna sa kaniya, si [[Lech Kaczyński]], sa pagbagsak ng kaniyang eroplano sa Rusya noong siya'y papunta roon upang ipagdiwang ang [[masaker sa Katyń]]. Nanunungkulan naman bilang Punong Ministro si [[Ewa Kopacz]], na itinanghal sa posisyon noong 2014 nang ipinangalanan si [[Donald Tusk]], na itinanghalkaniyang hinalinhan, bilang [[Pangulo ng Konsehong Europeo]]. Itinanghal naman si Tusk sa tanggapang ito noong 2007 nang manalo ang kaniyang partido, ang [[Platapormang Makabayan]] (''Platforma Obywatelska'', PO), sa halalan., Inihalalat muli ang PO noong 2011, atkung sisaan Tusksiya ayang angnaging kauna-unahang Punong Ministro sa kasaysayan ng Polonya na inihalal muli sa puwesto.
 
May dalawang kapulungan ang [[Asambleang Pambansa ng Polonya|Asambleang Pambansa]] (''Zgromadzenie Narodowe''), ang tagapagbatas ng Polonya: ang [[Sejm]], na may 460 kinatawan (''poseł'', literal na "sugo"), at ang [[Senado ng Polonya|Senado]], na binubuo ng 100 senador. May mariskal (ispiker) na namumuno sa bawa't kapulungan ng Asamblea. Gayunpaman, hindi nagkakaisa ang dalawang magkahiwalay na kapulungan maliban na sa tatlong pagkakataon: kapag may bagong Pangulo at siya'y manunumpa sa Asamblea, kapag may habla laban sa Pangulo sa Tribunal ng Estado, o kapag nais ihayag ng Asamblea na wala nang kakayahan ang Pangulo na manungkulan sa posisyon. Kasalukuyang nangyari lamang ang unang pagkakataon sa pagtatanghal ng Pambansang Asamblea.
 
== Talababa ==