Digmaang Koreano: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Choy4311 (usapan | ambag)
m clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB
Linya 37:
 
== Mga pangyayari bago ang digmaan ==
Ang maliit na bansa sa Asya na kung tawagin ay Korea ay sakop ng mga Hapon sa ilalim ng 35 taon ilang taon matapos mapagwagian ng huli ang dalawang digmaang pinaglabanan laban sa mga imperyo ng Tsina at Rusya noong 1910 hanggang sa natalo sa [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]] noong 1945. Sa mga pinakahuling araw ng digmaan, naagaw ng mga Rusong Sobyet ang hilagang bahagi ng Korea matapos nilang maipalaya ang hilaga't silangang Tsina sa mga Hapon, habang napasakamay naman ng Estados Unidos ang katimugang bahagi nito. Gayunpaman, nagpasya ang dalawang bansa na sandaliang hatiin ang tangway sa pagitan ng [[:en:38th parallel north|38th Parallel]] upang magbigay-daan tungo sa halalan na pasisimunuan ng [[Mga Nagkakaisang Bansa]] kung anong pamahalaan ang dapat na lehitimong mamuno sa bansa. Ito ay hinayaang mangyari ng magkabilang panig na walang pagkonsulta sa taumbayang Koreano. Ang mga mamamayan sa timog ay pinapayagang magkaroon ng eleksiyon at gumawa sila ng malayang republika sa pamumuno ni [[Syngman Rhee|Rhee Syng-man]] noong 1948, habang tumulong naman ang mga Sobyet sa pagpapatayo ng isang pamahalaang komunista sa pamumuno ni [[Kim Il-sung]] sa hilaga sa parehong taon.
 
==Mga paghahanda sa digmaan==
Linya 47:
===Simula===
[[File:Korean war 1950-1953.gif|thumb|upright|Nagkapalitan ng teritoryo ang magkabilang panig sa digmaan mula 1950 hanggang 1953.<br><span style="background:#d45444;">Teritoryong sakop ng mga kawal ng Hilagang Korea at Tsina</span><br><span style="background:#4cd444;">Teritoryong sakop ng mga kawal ng Timog Korea, Estados Unidos at ng mga Magkakaisang Bansa</span>]]
Ginawang malinaw ng mga komunista sa Hilaga na gusto nilang kontrolin ang buong bansa. Humingi si Kim ng pahintulot mula sa Sobyet na diktador na si [[Joseph Stalin]] na lusubin ang Timog, kung saan matapos nang magkaroon ng bomba atomika ay pumayag na. Humingi rin siya sa pinuno ng Tsina na si [[Mao Zedong]] ng tulong kung sakaling magapi sila sa labanan, kung saan kusa ring siyang pumayag. Noong ika-25 &nbsp;ng Hulyo 1950, ang komunistang Hilagang Korea na may 200,000 kawal ay pagulat na nagtangkang sakupin ang buong Timog Korea at ipagkaisa ang buong bansa sa ngalan ng komunismo.
 
Nasakop na ng mga komunista ang halos lahat ng katimugang Korea matapos nilang naagaw ang katimugang kabisera ng [[Seoul]] na halos walang kahirap-hirap sa mga unang araw mula sa pagsiklab ng digmaan. Matagumpay sila sa lahat ng labanan, habang paatras naman nang paatras ang mga taga-Timog patungong timog, naghihintay ng tulong mula sa mga Nagkakaisang Bansa. Ito ay dala na rin sa laki ng bilang ng mga kawal at ng mga makinang pandigma tulad ng tangke at eroplanong pandigma. Habang may 95,000 kawal lang at iilang eroplanong di gaano kahusay sa labanan ang Katimugan, sa loob lamang ng limang araw mula sa simula ng digmaan ay kumibal ang bilang ng kanilang mga kawal patungu sa mas maliit pa sa 22,000.
 
=== Pagsali ng mga Nagkakaisang Bansa sa digmaan ===
Nagpasyang mamagitan ang huli sa pangunguna ng Estados Unidos sa digmaan laban sa mga komunista. Sa mga unang araw ng digmaan ipinagutos ng mga Nagkakaisang Bansa sa Hilagang Korea na itigil nito ang pag-atake ngunit hindi nila ito sinunod. Dahil dito, nagpadala ng pwersa sa Kanlurang Korea ang nasabing lupon. Bagaman na ang mga Sandatahan ng Estados Unidos ang bumubuo sa halos lahat para sa hukbong multinasyonal, labing limang bansa pa ang nagpadala ng kanilang pwersa sa Kanlurang Korea. Naatasan si Heneral [[Douglas MacArthur]] na maging pinuno ng sandatahan ng mga [[Mga Nagkakaisang Bansa|Nagkakaisang Bansa]]. Dahil sa napakaliit na bilang ng mga kawal na natira, isinali na rin sa nasabing lupon ang Timog Korea. Subalit hindi tumigil ang mga taga-Hilaga sa paglusob na umabot sa bandang huli na isang maliit na sukat ng lupa na nakapalibot sa lungsod ng [[Pusan]] na lamang ang hawak ng mga Nagkakaisang Bansa at ng Timog, dahilan kung bakit nangangamba na silang mapaalis ng mga komunistang taga-Hilaga patungo sa karagatan. Dito na nangyari ang malakihang [[:en:Battle of Pusan Perimeter|Labanan sa Kapaligiran ng Pusan]] noong ika-4 &nbsp;ng Agosto hanggang ika-18 &nbsp;ng Setyembre ng taong 1950. Habang lumalaban ang mga kawal ng Timog Korea at ng mga Nagkakaisang Bansa hanggang sa huling tindig, nagtitiis naman ang mga taga-Hilaga sa matinding kawalan sa kanilang tauhan at kagamitan sanhi ng walang puwang na pakikipaglaban.
 
May magandang naisip si Heneral MacArthur para muling mabawi ang karamihan ng Timog Korea mula sa mga komunista. Nagtipon siya ng 70,000 kawal mula sa iba't ibang bansa para lusubin ang daungang lungsod ng [[Incheon]] na may di kalayuan sa katimugang kabisera ng Seoul. Kusa nilang nilusob ang una at saka ang huli, dahilan upang umatras pahilaga ang mga komunista na ngayo'y paubos na ang bilang. Napasakamay na ng mga Nagkakaisang Bansa ang lahat ng katimugang Korea. Sa panahong ito hindi tataas sa 30,000 na lamang ang bilang ng mga komunistang kawal ng Hilagang Korea.
 
=== Pagsali ng Tsina sa labanan ===
Matapos humingi ng pahintulot kay Pangulong [[Harry Truman]] ng Estados Unidos si Heneral MacArthur, nilusob naman nila ang Hilagang Korea. Halos wala silang nakasagupang mga komunista nang nasakop nila ang katimugang bahagi ng Hilagang Korea hanggang naagaw nila ang kabiserang lungsod ng [[Pyongyang]]. Sabik na lusubin ang Tsina habang ang mga kawal niya'y nagmamadali nang makatungtong sa Ilog ng Yalu na nagsisilbing hangganan ng [[Tsina]] at Hilagang Korea, humingi na naman si Heneral MacArthur ng pahintulot mula sa kanyang pangulo. Subalit ang Liberal na Kongreso ng Estados Unidos, na umabandona sa mga malayang Tsino sa ilalim ni Chiang Kai-shek, ay hindi sumang-ayon sa pagsakop ng Tsina. Naramdaman nilang ang digmaan sa Tsina ay magiging hindi popular sa mga mamamayan ng Estados Unidos, at ibang opisyal ng State Department, na responsable sa polisiyang panlabas ng bansa.
 
Nagpadala ng mga babala ang Tsina na mamagitan sila sa digmaan para sa Hilagang Korea, pero binawala ang mga ito ni Pangulong Truman. Dito na pumasya ang Tsina na mamagitan sa digmaan para sa Hilaga. Winasak ng mga Tsino ang ilang mga yunit ng mga Amerikano at mga Koreanong taga-Timog noong buwan ng Oktubre, dahilan upang umatras sila patungo sa Ilog ng Chongchon. Pero naglaho sila na parang mga bula dahil umatras sila at nagsitaguan sila sa mga kagubatan at bulubundukin ng hilaga't gitnaang bahagi ng Hilagang Korea upang muling magpalakas at magtipon matapos ng pagkaikli ng mga suplay para sa labanan. Sanhi nito, hindi kumbinsido na tuluyan nang sumali sa digmaan ang Tsina ang kumandante ng mga Nagkakaisang Bansa at tinantya nila na mat 50,000 Tsino lamang ang mayroon sa Korea. Bagkus, sa buwan ng Nobyembre sinimulang muli ni Heneral MacArthur ang opensiba na tinatantyang matatapos sa bisperas ng Pasko upang makumpleto na ang pagkakaisa ng Korea sa bandera ng kapitalismo. Dito nagkamali si MacArthur. Pagkatapos magtipon at magparaming muli, at ngayo'y napakarami na nila sa bilang ng kanilang mga kawal (hindi bababa sa 1,000,000), lumusob na naman ang mga Tsino sa lahat ng mga pook ng labanan. Dahil wala silang anumang mga makinang pandigma at dahil lumalaban sila sa mga malalakas na sandata ng mga kalaban, lumalaban nang patago sa gabi at nagsasagawa ng mga pananambang ang mga Tsino upang matalo ang labanan. Napaatras ng mga Tsino ang mga hukbo ng mga Nagkakaisang Bansa mula sa Hilagang Korea matapos silang kusang nagtagumpay sa labanan.
Linya 65:
 
=== Katapusan ng digmaan ===
Sinabi ni Heneral MacArthur kay Pangulong Truman na ang polisiyang ''containment'' ay mahina at maghihikayat sa mga komunista upang manakop. Dahil sa kanyang kritisismo, Sinibak ni Pangulong Truman si Heneral MacArthur sa kanyang pamumuno. Noong ika-27 &nbsp;ng Hulyo 1953, nilagdaan ng magkabilang panig ang armistisyo sa digmaan, iniwang ang dalawang Korea bago pang nagsimula ang digmaan ay halos hindi nagbago sa sukat ng teritoryo. Samantala, ang mga Kristiyanong misyoneryo ay nagtrabaho sa malayang Republika ng Korea.
 
== Mga sanggunian ==
Linya 338:
| isbn = 1-58544-201-1
}}
[[Kategorya:Kasaysayan ng Korea]]
 
[[Kategorya:Kasaysayan ng Korea]]
{{Link FA|vi}}
{{Link GA|sv}}