Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Gnostisismo"

m
clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB
m (Bot: Migrating 63 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q48420 (translate me))
m (clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB)
 
Ang '''Gnostisismo''' (mula sa gnostikos, "natutunan", mula sa Griyego: γνῶσις gnōsis, kaalaman) ay isang termino para sa isang hanay ng mga panrelihiyong paniniwala at mga espirituwal na mga kasanayan na matatagpuan sa sinaunang Kristiyanismo, Helenistikong Hudaismo, Greco-Romanong misteriong relihiyon, Zoroastrianismo (Zurvanism),at Neoplatonismo.
 
Ang isang karaniwang katangian ng ilan sa mga grupong ito ang pagtuturo na ang lubusang pagkaunawa ng Gnosis (pribado o sa kutob na kaalaman), ay ang paraan sa kaligtasan ng kaluluwa mula sa materyal na mundo. Kanilang itinuro na ang materyal na mundo ay nilikha ng isang demiurge sa halip ng diyos. Sa karamihan ng mga gnostikong ito, ang demiurge ay hindi perpekto, at sa iba ay isang masamang nilalang. Sa iba't ibang gnostikong paaralan, ang demiurge ay kinikilalang si Adan, Ahriman, Samael, Satanas, Yaldabaoth, o Yahweh.
 
Pangunahing naging laganap ang mistikong pananaw na ito noong mga ikalawang daantaon CE. Nagbuhat ang diwa ng pangangaral nito ng pagkakaroon ng isang mas mataas na kaalamang maaabot lamang ng iilang mga napiling tao mula sa pinagsamang mga paniniwalang Silanganin, mga sangkap ng [[Hudaismo]], at mga pagtuturo sa [[Kristiyanismo]]. Binigyang diin nito ang kaligtasan o katubusan ng [[kaluluwa]] mula sa makasalanan at makamundong daigdig sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaliwanagan ng [[espiritu]] o kaluluwa: ang kaliwanagang espirituwal.
[[Kategorya:Gnostisismo| ]]
[[Kategorya:Sinaunang Kristiyanismo]]
{{Link GA|eo}}