José Rizal: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Jewel457 (usapan | ambag)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Jewel457 (usapan | ambag)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Linya 65:
Sinasabing inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera para sa kaniyang tauhan na Maria Clara sa ''Noli me Tangere'' at ''El FIlibusterismo''.<ref name="inquirer">Martinez-Clemente, Jo (200-06-20) [http://newsinfo.inquirer.net/16626/keeping-up-with-legacy-of-rizal%E2%80%99s-%E2%80%98true-love%E2%80%99 Keeping up with legacy of Rizal’s ‘true love’] ''Inquirer Central Luzon'' at inquirer.net. Retrieved on 2011-12-03.</ref> Unang nagkita si Rizal at Rivera sa Maynila noong 14 taong gulang pa lang si Rivera. Noong lumuwas si Rizal sa Europa nong 3 Mayo 1882, si Rivera ay 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanilang pagtatalastasan noong nag-iwan si Rizal ng tula para kay Rivera na namamaalam.<ref name="JR" />
 
Nananatiling nakatuon siisi Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Europa dahil sa kaniyang pakikipagtalastasan kay Rivera. Dahil hindi gusto ng nanay ni Rivera si Rizal ay gumagamit sila ng kodigo sa kanilang mga sulat. Sa sulat ni Mariano Katigbak na nakapetsa sa 27 Hunyo 1884, binanggit si Rivera bilang "katipan" ni Rizal. Nilarawan ni Katigbak si Rivera bilang lubhang apektado sa paglisan ni Rizal, na palaging maysakit dahil sa ''insomnia''.
 
Noong umuwi si Rizal sa Pilipinas noong 5 Agosto 1887, bumalik na si Rivera at kaniyang pamilya sa [[Dagupan, Pangasinan]]. Pinagbawalan si Rizal ng kaniyang amang si Francisco Mercado na makipagkita kay Rivera upang huwag mailagay ang pamilyang Rivera sa panganib, dahil sa mga araw na iyon binansagan na si Rizal ng pamahalaang Kastila bilang ''filibustero'' o mapanghimagsik<ref name="JR" /> dahil sa kaniyang nobelang ''Noli Me Tangere''. Nais pakasalan ni Rizal si Rivera habang siya'y nasa Pilipinas pa dahil sa lubusang katapatan ni Rivera. Muli, pinakiusapan ni Rizal ang kaniyang ama bago ang kaniyang muling paglisan sa Pilipinas. Ngunit hindi naganap ang pagkikita. Noong 1888, hindi na pinapadalhan ng sulat si Rizal galing kay Rivera ng isang taon, sa kabila ng patuloy na pagpapadala ni Rizal ng liham sa kaniya. Ang dahilan ng pananahimik ni Rivera ay dahil sa kasunduan ng ina ni Rivera at ng isang Ingles na nagngangalang Henry Kipping, isang inhenyero sa daangbakal na nabighani kay Rivera at mas sinasang-ayunan ng ina ni Rivera.<ref name="JR">[http://www.joserizal.ph/lv01.html Leonor Rivera], José Rizal University, joserizal.ph</ref><ref name="Coates">Coates, Austin. "Leonor Rivera", ''[[Rizal: Philippine Nationalist and Martyr]]'', Oxford University Press (Hong Kong), pages 52–54, 60, 84, 124, 134–136, 143, 169, 185–188, and 258.</ref> Lubusang nasaktan si Rizal noong nabalitaan niyang nagpakasal na si Rivera kay Kipping.