Pandaigdigang katubigan: Pagkakaiba sa mga binago

kalautan
(Fixed grammar)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago gamit mobile app
(kalautan)
Ang taguring '''pandaigdigang katubigan''' ay tumutukoy sa mga sumusunod na [[anyong tubig]] na lumalampas sa pandaigdigang hangganan: [[karagatan]], malalaking marine ecosystem, bahagya o ganap na napalilibutang mga rehiyonal na dagat at mga wawa, ilog, lawa, groundwater, at laitan.<ref>[http://www.undp.org/gef/05/portfolio/iw.html International Waters], ''United Nations Development Programme''</ref>
 
Ang mga karagatan, dagat, at katubigang nasa labas ng hurisdiksiyon ng isang bansa ay tinatawag ding [['''kalautan]]''' o sa [[Wikang Latin|Latin]] ay ''mare liberum'' (ibig sabihin ay ''malayang karagatan'').
 
Nasa hurisdiksiyon ng bansang nakawatawat (kung mayroon man) ang mga sasakyang pandagat sa kalautan;<ref>UNCLOS article 92(1)</ref> ngunit, kung sangkot ang isang sasakyang pandagat sa ilang gawaing kriminal, gaya ng [[pamimirata]],<ref>UNCLOS article 105</ref> maaaring ipasailalim ito sa hurisdiksiyon ng alin mang bansa sa ilalim ng doktrinang [[universal jurisdiction]]. May kaibahan ang pandaigdigang katubigan sa [[katubigang panloob]], [[katubigang teritoryal]] at [[exclusive economic zones]].
9,094

edits