Puno: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
m Ibinalik ang mga pagbabago ni Joyceleigh Ponce (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot
Linya 2:
 
[[Talaksan:Coastal redwood.jpg|right|200px|thumb|Ang Coastal Redwood ang pinakamataas na uri ng puno sa daigdig]]
Ang '''puno''' ay isang pampalagian makahoy na [[halaman]]. Kadalasang binibigyan ito ng kahulugan bilang isang makahoy na halaman na may maraming sekondaryang mga sanga na nakasuporta sa isang lupa sa isang pangunahing tangkay o katawan na may maliwanag na apikal na pangingibabaw.<ref name=rhs>Huxley, A., ed. (1992). ''New RHS Dictionary of Gardening''. Macmillan ISBN 0-333-47494-5.</ref> May pinakamababang taas na espesipikasyon sa paggulang ang binigay ng ilang mga may-akda, nag-iiba mula sa 3 [[metro|m]] <ref name=rushforth>Rushforth, K. (1999). ''Trees of Britain and Europe''. Collins ISBN 0-00-220013-9.</ref> hanggang 6&nbsp;m<ref name=afm>Mitchell, A. F. (1974). ''A Field Guide to the Trees of Britain and Northern Europe''. Collins ISBN 0-00-212035-6</ref>, may ilang mga may-akda ang nagtatakda ng pinakamababang 10&nbsp;cm diametro ng katawan (30&nbsp;cm kabilugan).<ref>{{cite web |url=http://home.att.net/~spiderhunters/attachments/trintro.rtf |title=''Field Guide to Indian Trees, introductory chapter: Introduction to Common Indian Trees'' |accessdate=2007-07-25 |format=RTF |author=Utkarsh Ghate}}</ref> Tinatawag na mga [[palumpong]] ang mga makahoy ng mga halaman na hindi umaabot sa mga kahulugang ito na may mga maraming tangkay at/o maliit ang laki.
Sa botanika, ang '''puno''' ay isang
pangmatagalang halaman na may mahahabang tangkay o punungkatawan, na
sumusuporta sa mga sanga at dahon sa karamihan ng uri nito. Sa ilang paggamit,
ang kahulugan ng puno ay maaring mas maging tiyak, kabilang lamang dito ang mga
malakahoy na halaman na may sekundaryong paglago, mga halaman na magagamit
bilang troso o mga halaman na mas matangkad sa pamantayang taas. Sa mas malawak
na pang-unawa, ang matataas na palma, puno ng pako, saging at kawayan ay
matatawag ding mga puno. Ang mga puno ay nabubuhay nang matagal, ang iba ay
umaabot sa ilang libong taon. Ang kilalang 
pinakamataas na puno ay isang pulang punungkahoy (redwood) sa baybayin
na tinawag na Hyperion at ang taas nito ay umaabot sa 379 talampakan. Ang mga
puno ay 370 milyong taon nang nabubuhay sa mundo.  Ang mga puno ay hindi taksonomikong grupo
ngunit kabilang dito ang iba’t ibang uri ng halaman na malayang nakakagawa ng kahoy
at sanga upang matangkaran ang iba pang mga halaman at makipagkumpetensya para
sa sikat ng araw.
 
Ang '''puno''' o '''punungkahoy''' ay binubuo ng mga [[dahon]], [[sanga]], at [[ugat]]. May mga puno ring may [[prutas]].
Ang isang puno ay karaniwang may maraming
sekundaryong sanga na sinusuportahan ng lupa sa pamamagitan ng punungkatawan
nito. Ang punungkatawan  nito ay
karaniwang naglalaman ng tisyung kahoy (woody tissue) upang maging matibay ang
puno, at tisyung baskular (vascular tissue) upang magdala ng mga
materyales  mula sa isang parte ng puno
papunta sa isa pa. Para sa karamihan ng mga puno, ito ay napapaligiran ng isang
layer ng balat ng puno na nagsisilbing halang at proteksiyon.  Sa ilalim ng lupa, ang ugat ay malawak na
nagsasanga at bumubuka; sila ay nagsisilbing angkla ng puno at kumukuha ng
kahalumigmigan (moisture) at pampalusog mula sa lupa. Sa itaas naman ng lupa,
ang sanga ay nahahati sa mas maliliit na sanga at supang. Ang supang ang
karaniwang nagdadala ng mga dahon, na kumukuha ng enerhiya mula sa sikat ng
araw  at ginagawa itong asukal sa
pamamagitan ng potosintesis, na nagbibigay ng pagkain para sa paglaki at
pag-unlad ng puno. Ang mga bulaklak at prutas ay maaari ding matagpuan sa isang
puno, subalit ang iba, tulad ng puno ng pino, sa halip ay mayroong  konong polen (pollen cones) at konong binhi
(seed cones); ang iba, tulad ng puno ng pako, ay gumagawa naman ng esporas (spores).
 
Ang mga puno ay may makabuluhang papel sa
pagbabawas ng erosiyon at pagpapainam ng klima. Inaalis nila ang carbon dioxide
sa atmospera at nag-iimbak ng malaking dami ng karbon sa kanilang mga tisiyu.
Ang mga puno at kagubatan ay nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri ng mga
hayop at halaman. Ang kagubatang tropikal ay isa sa mga tirahan sa mundo na may
magkakaibang uri ng populasyon. Ang mga puno ay nagbibigay ng lilim at
kublihan, troso para sa konstruksiyon, panggatong para sa pagluluto at
pag-iinit, at prutas para sa pagkain at iba pang gamit. Sa iba’t ibang bahagi
ng mundo, ang mga kagubatan ay unti-unting nawawala dahil ang mga puno ay
pinuputol upang magkaroon ng mas malawak na lupain para sa agrikultura. Dahil
sa kanilang mahabang buhay at kapakinabangan, ang mga puno ay iginagalang at
sila ay may tungkulin sa karamihan ng mitolohiya ng mundo.
 
== Mga sanggunian ==