Charles Babbage: Pagkakaiba sa mga pagbabago

+img
m (→‎Mga sanggunian: article is a stub. tagged using AWB)
(+img)
[[Talaksan:CharlesBabbage.jpg|thumb|right|Si Charles Babbage.]]
[[File:Babbage - On the economy of machinery and manufactures, 1835 - 5864499.tif|thumb|''On the economy of machinery and manufactures'', 1835]]
 
Si '''Charles Babbage, [[Royal Society|FRS]]''' ([[26 Disyembre]] [[1791]] – [[18 Oktubre]] [[1871]])<ref>Rehistro ng mga Patay sa GRO: Disyembre 1871 1a 383 MARYLEBONE - Charles Babbage, edad na 79</ref> ay isang [[Inglatera|Ingles]] na [[matematiko]], [[pilosopo]], [[imbentor]], at [[inhinyerong mekanikal]] na nagpanimula ng konsepto ng isang naipoprogramang [[kompyuter]]. Nakatanghal ang mga bahagi ng kanyang hindi pa buong mga mekanismo sa [[Museo ng Agham sa London]]. Noong 1991, binuo ang isang umaandar ng maayos na [[difference engine|makinang pangdiperensiya]] mula sa mga orihinal na plano ni Babbage. Binuo para sa mga toloransiyang magagawa noong ika-19 daang taon, ang tagumpay ng nabuong makina ay nagpapakitang gagana talaga ang makina ni Babbage. Pagkalipas ng siyam na mga taon, nakumpleto ng Museo ng Agham ang [[panglimbag ng kompyuter]] ([[printer ng kompyuter]]) na dinisenyo ni Babbage para sa makinang pangdiperensiya, isang masalimuot na aparato noong ika-19 daang taon. Itinuturing siya bilang isa sa mga "ama ng kompyuter"<ref>{{cite book |author=Halacy, Daniel Stephen |title=Charles Babbage, Father of the Computer |year=1970 |publisher=Crowell-Collier Press |isbn=0027413705}} May iba pang maaaring pagbigyan ng ganitong titulo, katulad nina [[John Vincent Atanasoff]] at [[Alan Turing]].</ref> Itinuturing din si Babbage bilang ang nakaimbento ng unang mekanikal na kompyuter na lumaong nagbunga sa marami pang mga kompyuter na may mga disenyong masasalimuot.