Papa Alejandro VI: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m (clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB)
Sa maraming mga kerida o kabit ni Papa Alejandro VI, ang isa na matagal niyang kinahumalingan ay ang isang [[Vannozza dei Cattanei|Vannozza (Giovanna) dei Cattani]], na ipinanganak noong 1442 at asawa ng tatlong magkakasunod na mga asawa. Ang ugnayan ay nagsimula noong 1470 at naging ina ng apat na anak ni Alejandro VI na kinilala nito bilang kanyang sariling mga anak: sina [[Giovanni Borgia (1474)|Giovanni]] na naging duke ng [[Gandia]](ipinanganak noong 1474) at [[Goffredo Borgia|Goffredo]] o Giuffre (ipinanganak noong 1481 o 1482). Ang kanyang ibang mga anak ay sina Girolama, Isabella at[[Pier Luigi de Borgia, unang duke ng Gandía|Pedro-Luiz]] na hindi matiyak ang ina. Bago ang kanyang pagkahalal bilang papa, ang pagkahumaling ni Kardinal Borgia kay Vanozza ay medyo nabawasan at kalaunan ay humantong sa isang napaka-retiradong buhay. Ang kanyang lugar sa pagmamahal ni Kardinal Borgia ay napuno ng magandang si [[Giulia Farnese]] (Giulia Bella) asawa ng isang [[Orsini]] ngunit ang kanyang pag-ibig sa kanyang mga anak kay Vanozza ay nanatiling kailanman malakas at tumutukoy na paktor sa kanyang buong karera. Sila ay pinagkalooban ni Alejandro VI ng malalaking mga halaga ng salapi at pinuri sila ng bawat karangalan. Ang kanyang anak na si Lucrezia ay nabuhay kasama ng kanyang kabit na si Giulia na naging ina ng kanyang anak na babaeng si Laura noong 1492. Siya ang ninuno ng halos lahat ng mga sambahayang maharlika ng Europa na pangunahing ay ang mga nasa katimugan at kanluraning dahil sa pagiging ninuno ni [[Luisa de Guzmán]], na asawa ni Haring [[John IV ng Portugal]] ng [[Sambahayan ng Braganza]]. Sa kasalukuyan, ang tanging pamilyang patrilinyal na Borja o Borgia(Duke ng Gandia na linyang pangninuno ng papa na diretso mula kay Juan Borja at Cattanei) ay matatagpuan sa [[Ecuador]] at [[Chile]]. Ang isa sa kanyang mga kilalang inapo ay si Dr. [[Rodrigo Borja Cevallos]] na dating pangulo ng Ecuador.
==Pagkahalal sa pagkapapa==
[[File:Alexander - Bolla "Desiderando nui", dopo il 18 settembre 1499 - 2951587.tif|thumb|''Desiderando nui'', 1499]]
Sa kamatayan ni [[Papa Inocencio VIII]] noong Hulyo 25, 1492, ang tatlong malamang na mga kandidato para sa pagkapapa ay ang mga kardinal na si Borgia(Alejandro VI) na nakita bilang isang independiyenteng kandidato, [[Ascanio Sforza]] para sa Milanese, at [[Papa Julio II|Giuliano della Rovere]](naging [[Papa Julio II]]) na nakita bilang isang kandidatong pro-Pranses. Naging tsismis na nagtagumpay si Borgia sa pagbili ng pinakamalaking mga boto at si Sforza sa partikular ay [[suhol|sinuhulan]] ng mga sakay ng asnong pilak.<ref>Peter de Rossa, ''Vicars of Christ'', p.144.</ref> Ito ay pinakita sa palabas na serye ng telebisyon na ''[[The Borgias (2011 TV series)|The Borgias]]'' (2011) ngunit isang hindi totoong paglalarawan kay Papa Alejandro VI. Ipinakita ni Mallett na si Borgia ay nangunguna sa simula at ang tsismis ng [[simoniya]] ay nagsimula pagkatapos ng halalan sa pagpapamahagi ng mga benepise at sina Sforza at della Rovere ay handa rin at may kakayahang manuhol gaya ng sinuman.<ref>Mallett, M. ibid. pp123-6.</ref> Si [[Johann Burchard]] na panginoon ng mga seremonya ng conclave at isang nangungunang pigura sa sambahayan ng papa sa ilalim ng ilang mga papa ay nagtala sa kanyang talaarawan na ang conclave na pang-papa noong 1492 ay isang mahal na pangangampanya. Si della Rovere ay pinondohan sa halagang 200,000 gintong mga [[ducat]] ni [[Carlos VIII ng Pransiya]] at isa pang 100,000 na sinuplay ng [[Republika ng Genoa]].<ref>Johann Burchard, ''Diaries 1483–1492'' (translation: A.H. Matthew, London, 1910)</ref> Si Borgia ay nahalal na papa noong Agosto 11, 1492 at kumuha ng pangalanang Alejandro VI(sanhi ng kalituhan sa katayuan ni [[Papa Alejandro V]] na hinalal ng [[Konseho ng Pisa]]). Si [[Giovanni di Lorenzo de' Medici]] (na kalaunang naging [[Papa Leo X]]) ay natsismis na matalas na bumatikos sa halalan at naglabas ng isang labis na siniping babala:
{{quote|Ngayon, tayo ay nasa kapangyarihan ng isang [[lobo (hayop)|lobo]], ang pinaka-mapanagpang marahil na kailanman nakita ng mundo. At kung hindi tayo tatakas, hindi maiiwasang kanyang sisilain tayong lahat.<ref>James Reston, ''Dogs of God'', New York, Anchor Books, 2005, p. 287.</ref>}}