Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Sayusay"

walang buod ng pagbabago
Ang '''sayusay''' o '''retorika'''<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Rhetoric'', retorika}}</ref> ay isang uri ng [[sining]] na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng [[wika]] sa paraang '''''pasulat''''' o '''''pasalita'''''. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga [[salita]], o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang '''retorika''' upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa [[pakikipagtalastasan]].
 
Ayon sa mga impormasyon na nakalapnakpppppppppppppppppppppp mula sa iba't-ibang aklat, isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag ang retorika sapagkat tinutukoy nito ang angking abilidad na tumutugaygay sa pagsusulat o pagsasalita ng isang tao, bagay na humuhulma sa mga pangunahing kasanayan sa larangan ng [[pakikipagtalastasan|komunikasyon]]. Maaaring rin itong maisambit bilang isang punla ng kahusayan ng isang nilalang sa pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Kung kaya't ito ay isang epektibong paraan ng pakikipagdayalogo. Mula ang salitang "retorika" sa salitang [[wikang Latin|Latin]] na ''rhetor'', na nangangahulugang "guro" o "mahusay na mananalumpati".{{citation needed}} Susi ang pag-aaral ng retorika tungo sa mabisang pagpapahayag ng nauukol sa kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat at isa ring hibla ng produktibong pag-aaral upang makabuo ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng pili at wastong pangungusap na may maangkop na layunin.
 
Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling. Ilan sa mga gampanin nito ang pagbibigay daan sa paglinang ng kasanayan sa komunikasyon, pag-aabala, pagpapalawak ng pananaw, pagbibigay-ngalan, at pagbibigay-kapangyarihan.
Hindi nakikilalang mga tagagamit