Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Lev Šestov"

m
walang buod ng pagbabago
m
m
 
==Ang Pilosopiya ng Kawalan-ng-Pag-asa==
Ang pilosopiya ni Šestov, sa unang tingin, ay hindi nga mismo maituturing na isang pilosopiya: wala itong sistematikong pagkakaisa, koerenteng set ng mga proposisyon, o teorikong pagpapaliwanag ng mga problemang pampilosopiya. Ang karamihan sa mga akda ni Šestov ay ''fragmentary'': pagdating sa anyo (madalas syang gumagamit ng mga talinghaga), sa estilo (na sinasabing ''which is more“more web-like than linear, and more explosive than argumentativeargumentative”''), at pati na rin sa nilalaman. Tila kanyang sinasalungat ang kanyang sarili sa bawat pahina, at mismong ''hinahangad'' ang itong paradoks. Dahil ito sa kanyang paniniwalang ang buhay mismo, sa huling analisis, ay isang malaking paradoks, na hindi mauunawan gamit ng lohika o rasyonal na pagsisiyasat. Naniniwala si Šestov na walang teoríya ang makapagbibigay-lunas sa mga misteryo ng buhay. Ang kanyang pilosopiya ay hindi ''“problem-solving”'', kundi mismong lumilikha ng problema, at sinisikap nitong pagmukhaang enigmatiko sa lahat ng makakaya nito ang buhay. Ang kanyang simulain o ''point of departure'' ay hindi isang teoríya o idea kundi isang karanasan—itong karanasan na elokwenteng inilarawan ni [[James Thomson]] sa ''The City of Dreadful Night'':
 
:''The sense that every struggle brings defeat
::''Because Fate''<sup>''1''</sup>'' holds no prize to crown success;
:''That all the oracles are dumb or cheat
::''Because they have no secret to express;
::''Because there is no light beyond the curtain;
:''That all is vanity and nothingness.''
<br>
 
<font size=-1><sup>1</sup> <font size=-1>sinasaling ''Tadhana'' sa artikulong ito</font>
<br><br>
 
Ang itong karanasan ng kawalan-ng-pag-asa ang inilalarawan ni Šestov bilang ang kawalan ng mga Katiyakan, ng kalayaan, at ng kahulugan sa buhay. Ang ugat ng kawalan-ng-pag-asang ito ay ang kanyang madalas na tinatawag na “Pangangailangan”, pati na rin ang “Rason”, “Idealismo”, at “Tadhana”: isang espesifikong pamamaraan ng pag-iisip (but at the same time also a very real aspect of the world) na isinasailalim ang buhay sa mga idea, konseptong abstrakto, at mga heneralisasyon na pumapatay dito dulot ng di-pagpansin ng Tadhana ng pagkawalang-katulad (''uniqueness'') at pagkabuháy (''livingness'') ng realidad.
 
Ngunit, ayon kay Šestov, ang kawalan-ng-pag-asa ay hindi ang huling salita, kundi ang penultimong salita lamang. Hindi maisasalita sa wikang pantao ang huling salita o maisasaklong sa teoríya. Nagsisimula ang kanyang pilosopiya sa kawalan-ng-pag-asa at ang kanyang buong pag-iisip ''ay'' di-mapag-asa, ngunit tinuturo ni Šestov na mayroong bagay na ''nalalampasan'' ang kawalan-ng-pag-asa—at nalalampasan ang pilosopiya. Ito ang kanyang tinatawag na ''pananalig'' (''faith'').
 
Ang pananalig ay hindi isang paniniwala o isang katiyakan kundi ibang pamamaraan ng pag-iisip na nabubuo mula sa pinakamalalim na pagkaduda at inseguridad. Ito ang karanasan, ayon kay [[FëdrFëdor Dostoevskij]], na “ang lahat ay posible,” na ang kasalungat ng Pangangailangan ay hindi palad o kaswalidad, kundi posibilidad, na mayroon ngang tunay na kalayaang di-nahahanggan. Hindi pinapagtibayan ni Šestov na makahulugan ang buhay, na may tinatawag na ''“light beyond the curtain.”'' Mismong hindi nya rin sinasalungat na “ang lahat ng pagpupunyagi ay nauuwi sa pagkakatalo.” Ngunit pinananatilihan ni Šestov na lahat ng tao ay dapat magpapatuloy sa pagpupunyagi, sa paglalaban sa Tadhana at Pangangailangan, kahit pa man hindi maititiyak ang isang matagumpay na kinalabasan. Ayon sa kanya, sa mismong panahon kung kailan nananatiling tahimik ang mga orakulo, dapat ang isa ay makinig nang mabuti sapagkat sa panahong yon mismo ay may maririnig syang isang bagay na lubos na mahalaga na noong una ay kanyang nakakaligtaang marinig.
 
==Mga pangunahing akda==
10,095

edit