Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Panlalaking kondom"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.54.129 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.54.129 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot)
[[Talaksan:Condom placement demonstration.ogv|right|thumb|Mga hakbang sa pagkakabit ng kondom.]]
 
Ang '''kondom''' o '''panlalaking kondom''' ([[Ingles]]: '''''condom''''') ay isang kasangkapan, karaniwang yari mula sa [[latex]] at sa di pa katagalan mula sa ''[[polyurethane]]'', na karaniwanang ginagamit sa panahon ng [[pakikipagtalik]]. Ikinakabit ito sa nakatayong matigas na[[titi]] ng isang [[lalaki]] at hinaharangan nito ang pagpasok ng lumabas na [[tamod]] patungo sa katawan ng katalik na tao. Ginagamit ang kondom upang maiwasan ang [[buntis|pagdadalang-tao]] at ang paghahatid ng mga [[sexually transmitted infections|karamdamang nakahahawa sa pamamagitan ng pagtatalik]] katulad ng [[gonorea]], [[sipilis]] at [[HIV]]. Ito ay ginagamit rin sa pangogolekta ng semilya para sa pag-bubuntis ng mga taong baog. Dahil ang mga kondom ay di-nababasa (''waterproof''), elastiko, at matibay. Ito ay ginagamit sa mga bagay na di-sekswal katulad ng pag-gawa ng di-nababasang mikropono.
 
Bilang isang paraan sa pagkontrol ng pag-aanak, ang mga kondom na para sa mga lalaki ay lamang sa pagiging mura, madaling gamitin, konting masamang epekto, at proteksiyon sa mga sakit na nakukuha lamang sa pagtatalik ([[STD]]s). Gamit ang angkop na talino, pamamaraan at pag-gamit nito sa bawat kabanata ng pagtatalik, ang babae na ang kapareha ay gumagamit ng mga kondom ay may 2% na pagkakataon upang mabuntis kapag matino ang pagkakagamit at 18% na pagkakataon na mabuntis bawat taon sa karaniwang pag-gamit. Ito ay ginagamit na noong nakaraan na 400 na taon. Mula ika-19 na siglo, ito na ang pinakamabisang paraan ng ''[[contraception]]'' sa mundo. Kahit ito ay tinatanggap na sa kasalukuyang panahon, meron pa ring pagtatalo na nagaganap tungkol dito, batay kung paano ito ituturo sa mga klase ng ''[[sex education]]''.