Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pisikang nilapat"

walang buod ng pagbabago
Ang '''pisikang nilapat''' ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''applied physics'') ay pisikang inilaan para sa isang partikular na teknolohikal o praktikal na paggamit. Ito ay karaniwang itinuturing bilang isang tulay o isang koneksyon sa pagitan ng [[sipnayan]] at [[inhenyeriya]].
 
Ang "nilapat" ay naiiba mula sa “puro” sa pamamagitan ng dalubhasang kombinasyon ng mga kadahilanan tulad ng pagganyak at saloobin ng mga mananaliksik at mga katangian ng relasyon sa [[teknolohiya]] o [[agham]] na maaaring maapektuhan ng trabaho. Ito ay karaniwang naiiba sa inhenyeriya, ang isang pisiko sa pisikang nilapat ay maaaring hindi magdisenyo ng isang bagay na partikular ngunit sa halip ay gumagamit ng pisika o magsagawa ng pananaliksik na may layunin na magbuo ng mga bagong teknolohiya o maglutas ng isang problema sa inhenyeriya. Ang pisikang nilapat ay nakaugat sa mga pangunahing katotohanan at mga pangunahing konsepto ng pisikal na agham ngunit nakatuon sa maayos na paggamit ng mga prinsipyong pang-agham para sa mga praktikal na mga aparato at mga sistema.