Mehiko: Pagkakaiba sa mga binago

1,352 byte added ,  8 year ago
Nagdagdag ng mga tala
No edit summary
(Nagdagdag ng mga tala)
}}
 
Ang '''Mga Nagkakaisang Estado ng Mehiko''' ([[Wikang Nahuatl|Nahuatl]]: ''Mexihco Tlacetililli Tlahtohcayotl;'' {{Audio-es|Estados Unidos Mexicanos|Es-mx-Estados Unidos Mexicanos.ogg}}), maso higit na kilala bilang '''Mehiko''', ay isang bansa sa [[Hilagang Amerika]] na hinahanggan sa hilaga ng [[Estados Unidos|Estados Unidos ng Amerika]] at sa timog-silangan ng [[Guwatemala]], [[Belize]] at [[Dagat ng Karibe]]; at sa silangan ng ng [[Look ng Mehiko]].<ref>''Merriam-Webster's Geographical Dictionary'', 3rd ed. Springfield, MA: Merriam-Webster, Inc.; p. 733</ref><ref>"[http://www.bartleby.com/65/me/Mexico.html Mexico]". ''[http://www.bartleby.com/65/ The Columbia Encyclopedia]'', 6th ed. 2001–6. New York: Columbia University Press.</ref> Sumasakop ang Mehiko ng mahigit sa 2 milyon kilometro parisukat (mahigit 760,000&nbsp;sq&nbsp;mi),<ref>{{cite web|title=Mexico&nbsp;— Geography|work=CIA The World Factbook|publisher=CIA|url=https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/mx.html#Geo|accessdate=2007-10-03}}</ref> kaya ito ang naging ikalimang pinakamalaking bansa sa [[Amerika]] ayon sa kabuuang sukat nito, at ika-14 sa buong mundo. May tinatayang 111 milyon ang populasyon nito,<ref>{{cite web|title=Mexico&nbsp;— People|work=CIA The World Factbook|publisher=CIA|url=https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/mx.html#People|accessdate=2007-10-03}}</ref>, kaya ito ang ika-11 pinakamataong bansang sa buong mundo, at pinakamalaking bansa na nagsasalita ng wikang Kastila/ o Espanyol. Ang Mehiko ay isang bansang pederal na binubuo ng tatlumpu't isang mga estado at isang Distritong Pederal, ang [[Lungsod ng Mehiko]], na nagsisilbi rin bilang kabiserang-lungsod.
 
Nagsimula ang pagdating ng mga unang tao sa Mehiko mahigit 30,000 taon na ang nakararaan. Makalipas ang ilang libong taon ng pag-unlad ng mga kalinangan, umusbong sa mga lupain ng bansa ang mga kulturang Mesoamerikano, Aridoamerikano at Oasisamerikano. Matapos ang halos 300 taon ng pananaig ng mga Kastila, sinimulan ng mga Mehikano ang maghimagsik upang makamit ang kasarinlang pampulitika noong 1810. Makalipas naman ng halos isang dantaon, naharap ang bansa sa serye ng mga digmaang panloob at pagsalakay ng mga banyaga na kumitil sa buhay ng mga Mehikano. Noong ika-20 dantaon naman (partikular noong unang gitnang bahagi), nagsimulang maranasan ng bansa ang pag-unlad pang-ekonomiya sa pagkakaroon ng pulitikang pinananaigan ng nag-iisang partidong pulitikal.
 
Ang Mehiko ang isa sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo: ito ay ika-10 pinakamalaking tagalikha ng langis sa buong mundo, ang pinakamalaking tagamina ng pilak sa buong mundo, at itinuturing na makapangyarihan sa rehiyon at isa sa mga nakaaangat na bansa. Dagdag dito, ang Mehiko ang unang kasapi mula sa Latin Amerika ng Organisasyon para sa Pagtutulungang Pang-ekonomiya at Pag-unlad (''Organisation for Economic Co-operation and Development'' o OECD) mula pa noong 1994, at itinuturing na bansang kumikita ng higit sa katamtaman ayon sa [[Bangkong Pandaigdigan]] (''World Bank'').
 
== Etimolohiya ==
623

edit