Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Epiko ni Gilgamesh"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.44.184 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 112.209.221.72
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.44.184 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 112.209.221.72)
{{Mesopotamian myth}}
Ang '''''Epiko ni Gilgamesh''''' ay isang epikong tula mula sa [[Mesopotamia]] na isa sa pinakamamatandang umiiral na mga akda ng panitikan. Ang kasaysayang panitikan ng Gilgamesh ay nagmumula sa limang independienteng mga tulang Sumeryo tungkol kay ''Bilgamesh'' na pangalang [[Sumerya|Sumeryo]] ni Haring ''[[Gilgamesh]]'' na hari ng lungsod ng [[Sumerya]] na [[Uruk]]. Ang apat sa mga ito ay ginamit bilang sangguniang materyal ng pinagsamang epiko sa [[Akkadian]]. Ang unang bersiyong Lumang Babilonyo nito ay mula 1800 BCE at pinamagatang ''Shūtur eli sharrī''. Tanging ang ilang mga pragmento lamang nito ang umiiral. Ang kalunang Pamantayang bersiyon na Babiloniya ay mula 1300 hanggang 1000 BCE at pinamagatang Sha naqba īmuru. Ang mga pragmento tinatayang 2/4 ngmasng mas mahabang 12 tabletang bersiyong ito ay nakuha. Ang ilang mga mahuhusay na kopya ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan
 
sa mga gibang aklatan nang ika-700 BCE haring [[Assyria|Asiryong]] si [[Ashurbanipal]].
== Paglalarawan ==
[[Talaksan:GilgameshTablet.jpg|thumb|right|150px|Tableta ng Epiko ni Gilgamesh sa Akkadian.]]
Naglalahad ang epikong ito ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng bayaning si [[Gilgamesh]] na hari ng [[Uruk]] sa [[Sumerya]]. Kabilang sa mga kuwento nito ang hinggil sa isang ''[[malaking baha]]'' at sa kung paanong nakaligtas ang isang mag-anak sa pamamagitan ng paggawa ng isang [[arko]]. Ang kuwentong ito ay mas nauna at ang pinaghanguan ng ''[[Arko ni Noe]]'' sa [[Lumang Tipan]] ng [[Bibliya]].
 
==Mga bersiyon==
Ang pinakamaagang mga tulang ''Sumeryo'' nito ay pangkalahatan ngayong itinuturing na mga natatanging kuwento sa halip na mga bahagi sa isang epiko. Ang mga ito ay mula sa maagang [[Ikatlong Dinastiya ng Ur]] (2150–2000 BCE).<ref name=gilgamesh>Stephanie Dalley (ed.). Myths from Mesopotamia: Creation, the Flood, Gilgamesh, and Others. Oxford University Press. ISBN 978-0-19-953836-2.</ref> Ang pinakamaagang mga bersiyong ''Akkadian'' nito ay mula maagang ca. 2000 BCE at malamang noong 1800 o 1700 BCE nang ang isa o higit pang mga may akda nito ay humango sa isang umiiral na materyal ng panitikan upang lumikha ng isang epiko.<ref name=gilgamesh/> Ang ''pamantayang bersiyong Akkadian'' nito ay binubuo ng 12 tableta na inedit ni [[Sin-liqe-unninni]] sa pagitan ng 1300 BCE at 1000 BCE na natagpuan sa aklatan ni [[Ashurbanipal]] sa Nineveh.
 
==Pagkakatuklas==
Ang sentral na katauhan nito na si ''[[Gilgamesh]]'' ay simulang muling ipinakilala sa mundo bilang "Izdubir" bago tumpak na nabigkas ang logograpong kuneirporma ni Gilgamesh.
 
Ang pagkakatuklas sa arkeolohiya ng mga artipaktong mula ca. 2600 BC na nauugnay kay Haring [[Enmebaragesi]] na binaggit sa isang seksiyon ng orihinal na Sumeryong Epiko ni Gilgamesh na ''Bilgamesh at Aga'' bilang ama ni Aga ng [[Kish]] na lumusob sa Uruk ang nagpapatunay sa pag-iral ni [[Gilgamesh]].
 
==Mga salin sa ibang wika==