Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Bundok"

1,176 bytes added ,  4 years ago
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni Nikz98 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Oripaypaykim
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni Nikz98 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Oripaypaykim)
{{otheruses}}
Ang '''bundok''' ay isang malaking anyong lupa na lumalagpas ang taas sa paligid na lupa, sa isang limitadong lawak, kadalasang ang anyo ay  patusok. Ang bundok ay kadalasang mas matarik kaysa burol. Ang mga bundok ay nabubuo sa pamamagitan ng mga pwersang tektonika o bulkanismo. Ang mga pwersang ito ay kayang iangat ang ibabaw ng mundo. Ang mga bundok ay dahan-dahang gumuguho sa pamamagitan ng galaw ng mga ilog,pagbabago ng panahon at pag galaw ng ''glacier''. Mangilan-ngilan sa mga bundok ang nakahiwalay na mga ''summit'', ngunit karamihan sa kanila ay matatagpuan sa malalaking bulubundukin. 
 
[[Talaksan:Damavand in winter.jpg|thumb|right|Bundok [[Damavand]], [[Iran]]]]
Ang mga matataas na elebasyon sa mga bundok ay nagdudulot ng mas malamig na klima kumpara sa nasa  lebel ng tubig. Itong  malalamig na  klima ay higit na nakakaapekto sa ekosistema ng mga bundok: iba’t ibang elebasyon ay mayroong iba’t ibang uri ng halaman at hayop. Dahil sa hindi gaanong bukas sa pagtanggap ang kalupaan at ang klima, ang mga bundok ay hindi gaanong nagagamit sa agrikultura at mas napapakinabangan  sa paghango ng kolektibong yaman at libangan, tulad ng pag-akyat ng bundok.
[[Talaksan:Bundokbanahaw.JPG|thumb|right|[[Bundok Banahaw]], [[Pilipinas]]]]
 
Ang '''bundok''' (Ingles: ''mountain''<ref name=NBK/>, ''mont'' [katawagang pang-heograpiya]<ref name=NBK>''The New Book of Knowledge'' (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, dahon 492-499, 606 at 612, ISBN 0-7172-0508-8</ref>, at ''mount''<ref name=NBK/> [isa pang katawagang pang-heograpiya] ay [[anyong lupa]] na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang [[burol]], ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.
Ang pinakamataas na bundok sa mundo ay ang Bundok Everest sa Himalayas sa Asya, kung saan ang  tugatog ay 8,850 metro(29,035 pulgada) sa ibabaw ng lebel ng tubig. Ang  pinakamataas na kilalang bundok sa kahit anong planeta sa sistemang solar ay ang Olympus Mons sa Mars sa taas na 21,171 metro (69,459 pulgada)
 
Tinatakpan ng mga bundok ang 54% ng [[Asya]], 36% ng [[Hilagang Amerika]], 25% ng [[Europa]], 22% ng [[Timog Amerika]], 17% ng [[Australia]], at 3% ng [[Aprika]]. Sa kabuuan, [[bulubundukin]] ang 24% ng lupain sa [[Daigdig]]. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin. Nagmula sa mga bundok ang karamihan sa mga tubig sa [[ilog]], at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng [[tubig]].<ref>{{cite web |url=http://www.wateryear2003.org/en/ev.php-URL_ID=3903&URL_DO=DO_TOPIC&URL_SECTION=201.html |title=''International Year of Freshwater 2003'' |accessdate=2006-12-07}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.mountain.org/mountains/whymtns.cfm?slidepage=water |title=''The Mountain Institute'' |accessdate=2006-12-07}}</ref>
(mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Mountain)
 
== Impluho sa wikang Ingles ==
Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang [[wikang Ingles|Ingles]] na pang-[[Estados Unidos|Amerikano]], nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang ''bundok'' sa [[talahuluganan]] ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga [[Tagalog]] ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]] ang salitang '''''boondocks''''' [bigkas: ''bun-doks'']. Ang literal na kahulugan ay: ''mga'' bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan" (Ingles: ''backwoods'' at ''hinterland'').<ref name="TSBED">Williams, Edwin B. (''general editor'') [patnugot-panlahat]. ''The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition'' (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0-553-26496-6</ref>
 
== Mga talasanggunian ==
 
{{reflist}}
{{agham-stub}}