Lahi: Pagkakaiba sa mga binago

4 bytes removed ,  7 year ago
walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Nagbabago ang mga panlipunang paniniwala at pagpapangkat ng lahi sa pagtagal ng panahon, kabilang na ang taksonomiyang pambayan na naglalarawan sa mahahalagang uri ng indibidwal batay sa mga katangian ipinakikita. Ikinukonsidera ng mga siyentipiko na nakalipas na ang esensyalismong biyolohikal at sa pangkalahatan ay hindi inirerekomenda ang mga paliwanag na panlahi para sa sama-samang pagtukoy ng kaibahan sa parehong pisikal at pang-asal (''behavioral'') na katangian.
 
Kahit na mayroong malawak na kasunduang pang-agham na nagsasabing ang esensyalista at tipolohikal na paglalarawan ng lahi ay hindi tama, ang mga siyentipiko sa buong mundo ay nagpapatuloy na ilarawan ang lahi sa mas magkakaibang paraan,na ang ilan ay may implikasyong esensiyal. Habang ang ilang mananaliksik ay kung minsa’y ginagamit ang konsepto ng lahi upang magpangkat mula sa mga malalabongmalabong pangkat ng mga katangian, ang iba sa komunidad ng agham ay iminumungkahing ang ideya ng lahi ay ginagamit sa isang payak o simpleng paraan, at sinasabing sa pangkalahatan ng mga tao, ang lahi ay walang kahalagahang taksonomikal sa pamamagitan ng pagsabing lahat ng nabubuhay na tao ay nabibilang sa parehong species, ''Homo sapiens'', at subspecies, ''Homo sapiens sapiens.''
Hindi nakikilalang mga tagagamit