Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Relihiyon sa Mesopotamia"

walang buod ng pagbabago
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 203.160.187.250 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot)
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Ang relihiyong sinanay sa sinaunang Mesopotamia ang [[politeismo]] sa mga libo libong taon. Ito ay unti unting naglalaho sa pagsisimula ng ika-1 siglo CE sa pagpapakilala ng Silangang Ritong [[Kristiyanismo]] gayundin ng [[Manicheanismo]] at [[Gnostisismo]] na tumagal ng 3 hanggang 4 na [[siglo]] hanggang sa ang mga paniniwalang ito ay namatay na na may mga huling bakas nito sa mga ilang pamayanang Asiryo hanggang noong ika-10 siglo CE. Ang Diyos na si [[Ashur]] ay sinasamba pa rin sa Assyrian hanggang noong ika-4 siglo CE at ang Ashurismo ay sinanay ng mga menoridad hanggang noong ika-10 siglo CE.
{{Mesopotamian myth}}
Ang relihiyong Mesopotamiano ay pinaniniwalaan ng mga historyan na isang malaking impluwensiya sa mga kalaunang lumitaw na [[relihiyon]] sa buong kasaysayan ng mundo kabilang ang mga [[relihiyong Cananeo]], relihiyong Arameo, [[relihiyon ng Sinaunang Gresya]], mga relihiyong [[Poeniko]] gayundin din sa mga kalaunang lumitaw na relihiyong [[Hudaismo]], [[Kristiyanismo]] at [[Islam]]. Ang mga mitolohiyang Mesopotamiano ay nakaimpluwensiya sa mga kalaunang [[mitolohiya]] ng [[Bibliya]] gaya ng [[mito ng paglikha]], [[Adan at Eba]], [[Arko ni Noe]], [[Tore ng Babel]], [[Nimrod]] at [[Lilith]]. Ang mga kuwento ni [[Moises]] ay katulad sa kuwento ni [[Sargon ng Akkad]] at ang mga kautusan ni Moises ay tumutugma sa mga kodigong pambatas na Asiryo-Babilonio, halimbawa ang batas na "''[[mata sa mata]]''" ni [[king Hammurabi]]. Ang mga [[Israel]]ita ay sinakop ng [[Imperyong Babilonio]] noong 587 CE at ipinatapon sa Babilonia. Pinaniniwalaan ng mga skolar na ang [[Torah]] at karamihan ng [[Tanakh]] o Lumang Tipan ay isinulat pagkatapos ng pagkakabihag ng mga IsraelitaIsraelite sa Babiloniababylonia.
 
Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang [[kabilang buhay]] na isang [[mundong ilalim|lupain sa ilalim ng ating mundo]]. Ito ay kilala bilangnumber Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nitonila.
 
Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang [[kabilang buhay]] na isang [[mundong ilalim|lupain sa ilalim ng ating mundo]]. Ito ay kilala bilang Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nito.
==Kasaysayan==
Ang tao ng Mesopotamia ay orihinal na binubuo ng dalawang pangkat ng mga tao: ang Silangang Semitikong [[Akkadian]] (na kalaunang nakilala bilang mga [[Asiryo]] at mga [[Babilonio]]) at ang mga [[Sumeryo]]. Ang mga taong ito ay hindi orihinal na isang nagkakaisang bansa ngunit mga kasapi ng mga iba't ibang mga [[siyudad-estado]]. Noong ika-4 na [[milenyo]] BCE nang ang unang ebidensiya ng makikilalang relihiyong Mesopotamiano ang makikita sa pagkakaimbento sa Mesopotamia ng pagsulat noong ca. 3500 BCE. Ang mga Sumeryo ay lumitaw bagaman hindi alam kung sila ay tumungo sa lugar sa mga prehistorikong panahon o sila ang ilan sa mga orihinal na naninirahan dito. Sila ay tuira sa katimugang Mesopotamia na nakilala bilang [[Sumerya]] at nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga taong Semitikong Akkadian at kultura nito. Ang mga Sumeryo ay isang napakaunlad na kultura: Bukod sa pag-imbento ng pagsulat, kanilang inimbento ang maagang mga anyo ng [[matematika]], maagang mga sasakyang may gulong, [[astronomiya]], [[astrolohiya]] at kalendaryo. Kanilang inimbento ang mga unang siyudad-estado/bansa gaya ng [[Uruk]], [[Ur]], [[Lagash]], [[Isin]], [[Umma]], [[Eridu]], [[Nippur]] at [[Larsa]]. Ang mga Semitikong Akkadian na pangalan ay unang lumitaw sa mga talaan ng haring Sumeryo sa mga estadong ito noong 2800 BCE. Ang mga Sumeryo na nagsalita ng isang hiwalay na wika ay nanatiling malaking nananaig sa isang pinagsamang kulturang Sumero-Akkadian hanggang sa pag-akyat sa kapangyarihan ng [[Imperyong Akkadian]] sa ilalim ni [[Sargon ng Akkad]] noong 2334 BCE na nagsanhi ng pagkakaisa ng lahat ng Mesopotamia sa ilalim ng isang pinuno. Unti unti, may tumaas na pagsasama sa pagitan ng mga kultura at mga [[Diyos]] na Sumeryo at Akkadian. Pinili ng mga Akkadian na sumamba sa mas kaunting mga Diyos ngunit itinaas ang mga ito sa mas malaking mga posisyon ng kapangyarihan. Noong mga 2335 BCE, sinakop ni Sargon ng Akkad ang lahat ng Mesopotamia na nag-isa sa mga Akkadian at Sumeryo sa unang imperyo ng mundo bagaman ito ay gumuho pagkatapos ng dalawang daang taon. Pagktapos ng isang muling pagbuhay ng Sumerya, ang imperyo ay nahati sa dalawang mga estadong Akkadian: Ang Asirya sa hilaga at Babilonia sa timog noong 1894 BCE. Sa isang panahong pagkatapos nito, ang mga Sumeryo ay naglaho na buong isinama sa populasyong Asiryo-Babilonio. Ang Babilonya ay itinatag bilang independiyenteng estado noong 1894 BCE. Noong 1750 BCE, ang Amoreong hari ng Babilonya na si [[Hammurabi]] ay sumakop sa karamihan ng Mesopotamia ngunit ito ay gumuho pagkatapos ng kanyang kamatayan dahil sa paglusob ng mga Kassite mula Asya menor na namuno sa Babilonya sa 500 taon.
Anonymous user