Parañaque: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago gamit mobile app
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago gamit mobile app
Linya 28:
 
== Kasaysayan ==
{{Ang}} Parañaque ay itinatag noong 1572, sa kadahilanang ang lugar ay malapit sa dagat, ang mga Paraqueños (Parañaquense) ay nakipagkalakalan sa mga Intsik, Indones, Indians at Malayans. Noong panahong iyon ang pangunahing hanapbuhay ay ang paggawa ng asin, pangingisda, pagtatanim ng bigas, paggawa ng sapatos, paggawa ng tsinelas at paghahabi. Ang komunidad ay pinamumunuan ng cabeza de barangay, isang kanluraning bersyon ng mga lokal na tagapamuno at ang mga principalia bilang mga lokal na aristokrata, isang napaka-matibay na institusyon sa lipunan dahil sila ay ang mga kalimitang gumaganap sa mga pampolitikang posisyon. Sila ay makatwiran at tagapamagitan ng pangangailangan ng mga mga mananakop na [[Espanyol]]. Ang edukasyon ay limitado para sa principalia lamang dahil sila lang ang may kakayahang magbayad para rito. Ang naitalang simula ng Palanyag ay nagsimula noong 1580 nang si Fr. Diego de Espinar, isang misyonerong Augustinian, ay hinirang na tagapamahala ng kumbento o relihiyosong bahay ng bayan. Bilang residenteng pari, siya ay nagtatag ng bahay ng misyon doon, na may hurisdiksiyon na umaabot hanggang sa [[Kawit, Cavite|Kawit]] sa lalawigan ng [[Cavite]]. Ang Konseho ng Definitors (o konseho ng mga pinuno ng relihiyon order) noong ika-11 Mayo 1580, ay tinanggap ng Palanyag bilang isang malayang bayan. Ang larawan ng patrona ng Palanyag na si Nuestra Señora del Buensuceso, ay dinala sa [[St. Andrew's Church]] sa La Huerta noong 1625.
 
Nasasaad sa ilang tala na dahil ang Palanyag ay matatagpuan sa sangang-daan ng [[Maynila]], at ng mga lalawigan ng [[Cavite]] at [[Batangas]], naging daan ito para maging importanteng bahagi nang kasaysayan ng [[Pilipinas]] ang mga taong-bayan nito. Sa panahon ng pananakop ng mga [[Intsik]] na mandarambong na si Limahong noong 1574, ang mga mamamayan ng Parañaque, lalo na yaong mula sa [[Barangay]] Dongalo, ay matapang na pumigil sa pag-atake sa [[Maynila]]. Ito ay ang kinilala bilang ang "insedente sa Red Sea" dahil sa mga dugo na dumaloy bilang resulta ng pagtatanggol na ginawa ng tao mula sa baryo Sta. Monica, dating pangalan ng barangay. Nang sakupin ng mga [[Briton]] ang Maynila noong 1762, ang mga taong-bayan ay muling naging tapat sa mga mananakop na Espanyol, lalo na sa mga Augustinian. Ang pagsalakay gayunpaman ay nagpakita na ang kapangyarihan ng mga Espanyol ay hindi masusupil at matapos ang higit sa isang daang taon, ito ay mapatunayan na totoo. Pagkatapos ay dumating ang [[Himagsikang Pilipino]] (mga huling bahagi ng ika-19 na siglo) at ang napagtanto ng mga Espanyol na ang bayan ay isang praktikal na lagusan patungong Cavite, ang balwarte ng mga rebolusyonaryo [[Katipunero]]. Gayundin naman para sa mga rebolusyonaryong nakabase sa Cavite, nakita nila ang bayan bilang kanilang lagusan patungong [[Intramuros]], ang sentro ng pamahalaang Espanyol sa [[Maynila]]. Ang mga kilalang Paraqueños, tulad ni Manuel Quiogue at ng sekular na pari na si Padre Pedro Dandan ay naging prominenteng rebolusyonaryo. Nang nasakop na ito ng mga Amerikano, isa ang Parañaque sa mga [[bayan]] na unang nagkaroon ng [[pamahalaan]].