Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Fovismo"

(inayos ng kaunti)
Bukod kanila Matisse at Derain, may iba ring alagad ng sining na kabilang sa Fauvism. Ito ay sina Albert Marquet, Charles Camoin, Louis Valtat, ang pintor na Belhiko na si Henri Evenepoel, Maurice Marinot, Jean Puy, Maurice de Vlaminck, Henri Manguin, Raoul Dufy, Othon Friesz, Georges Rouault, Jean Metzinger, ang [[pagpinta|pintor]] na Olandes na si Kees van Dongen, at si Georges Braque (na kasama rin ni [[Pablo Picasso]] sa ''Cubism'').
 
Ang mga dibuho ng mga ''Fauves'' ay kakikitaan ng marahas na brush work at matitingkad na [[kulay]], habang ang tinutukoy ng kanilang mga dibuho ay mayroong mataas na antas ng pagpapayak at pagkabasal. Ang Fovismo ay maaaring ikategorya bilang matinding pagpapaunlad ng Post-Impresiyonismo ni [[Vincent Vanvan Gogh]] na sinamahan ng pointillism ni Seurat at iba pang Neo-Impressionist na pintor, partikular si Paul Signac. Ang iba pang nagbigay ng mga mahahalagang impluwensya ay sina Paul Cezanne at Paul Gauguin, na ang pag tanggap at pag gaya sa mga dibuhong may matitingkad na kulay, lalo na ang mga dibuho galing sa Tahiti, ay malakas na naimpluwensyahan ang dibuho ni Derain sa Collioure noong 1905. Noong 1888 sinabi ni Gauguin kay Paul Serusier: “How do you see the trees? They are yellow. So, put in yellow; this shadow, rather blue, paint it with pure ultramarine; these red leaves? Put in vermillion”
 
Ang Fauvism ay pwede ring tingnan bilang tipo ng Expressionism.
 
== Pagsisimula ==