Buksan ang pangunahing menu

Changes

walang buod ng pagbabago
[[Talaksan:Stalin portrait 1937.jxfjxfpg|thumb|Si Joseph Stalin noong 1937.]]
Rrdpg|thumb|Si Joseph Stalin noong 1937.]]
Si '''Joseph Stalin''' (18 Disyembre 1878&nbsp;– 5 Marso 1953), na nakikilala rin bilang '''Iosif Vissarionovič Stalin''', '''Iosif Vissarionovich Stalin''', at ang orihinal na pangalan ay '''Ioseb Besarionis Dze Jugashvili''' (pinapaiksing '''Ioseb Jughashvili''', na binabaybay din bilang '''Iosif Dzhugashvili''') ay isang [[Rebolusyong Ruso ng 1917|rebolusyonaryo]]ng [[Bolshevik]] at pinuno ng [[Unyong Sobyet]] mula 1922 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1953. Naging [[Punong Kalihim ng Partidong Komunista ng Unyong Sobyet|punong kalihim ng Partidong Unyong Sobyet]] si Stalin noong 1922. Siya ang [[komunista]]ng [[diktador]] ng Unyong Sobyet.<ref name=WD/> Si Stalin ang pumalit kay [[Vladimir Lenin]] bilang pinuno ng Unyong Sobyet. Isa siyang pinunong [[totalitaryano]], at nanatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtanggal sa sinumang inaakala niyang panganib sa kaniya. Ang kaniyang mga patakaran ay nakagawa sa Unyong Sobyet na maging isang nasyong makapangyarihan at moderno, ang pinakamalaki sa mundo. Naghantong din ito sa pagkamatay ng milyun-milyong mga tao.<ref name=bbc>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/historic_figures/stalin_joseph.shtml |title=Joseph Stalin (1879 - 1953) |accessdate=2009-02-01 |format= |work=Historic Figures }}</ref> Sa pagdaka, ang anyo ng kaniyang pamahalaan ay tinaguriang [[Stalinismo]]. Nilusob ni Stalin ang [[Polonya]] noong 18 Setyembre 1939. Pinamunuan niya ang Unyong Sobyet habang nagaganap ang [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]] at lubos na nakaapekto sa mga pagpapasyang ginawa pagkalipas ng digmaan hinggil sa Europa na nangyari sa mga pagpupulong sa Yalta at sa Potsdam.<ref name=WD>Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.</ref> Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nananatiling walang pinapanigan si Stalin subalit lumagda ng kasunduang pangkapayapaan sa piling ng pinuno ng [[Alemanya]] na si [[Adolf Hitler]]. Pagkaraan ay nakipaglaban siya sa isang madugong digmaan pagkaraang lusubin ng Alemanya ang Unyong Sobyet. Nang magwakas ang digmaan, nakontrol ni Stalin ang lahat ng [[Silangang Europa]] kasama na ang [[Silangang Alemanya]]. Doon ay naitatag ang isang serye ng matatapat na mga estadong may iisang partido na [[Marxista at Leninista]], na nagpalawak sa kaniyang kapangyarihan at nakatiyak sa posisyon ng Unyong Sobyet bilang isang ''[[superpower]]''.
 
Anonymous user