Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Balagtasan"

m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 119.94.211.190 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Kyleangelo)
Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga nangungunang manunulat sa ''Instituto de Mujeres'',(Women's Institution) kalye ng Tayuman, [[Tondo, Maynila|Tondo]], [[Maynila]], Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2, 1925.<ref name=almario></ref> Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.
 
Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa ''Instituto de Mujeres'',ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay Guillermo Holandez. <ref name=almario></ref> Sa mga lumahok, sina [[Jose Corazon de Jesus]] (Huseng Batute), at [[Florentino Collantes]](Kuntil Butil), isang rin manunula sa [[Bulacan]] ang nakatanggap ng pinakasiglang tugon mula sa madla. "BulalakBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan" ang pamagat ng kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang dalawang ito ang nanomina sa panglawang paghaharap.
 
Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nag-organisa ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng dalawa naghanda sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok.<ref name=montemayor></ref> Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili ni Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.
Anonymous user