Buksan ang pangunahing menu

Changes

walang buod ng pagbabago
Ang '''Karagatang Pasipiko''' (mula sa salitang [[Wikang Latin|Latin]] na ''Mare Pacificum'', na ang ibig sabihin ay ''payapang laot'', na iginawad ni [[Fernando Magallanes]] eksplorador na [[Portugal|Portugues]] sa korona ng [[Espanya]]) ay ang pinakamalaking [[karagatan]] sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng [[Lupa]] at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa [[Dagat Bering]] sa [[Karagatang Artiko]] hanggang sa mayelong lugar ng [[Dagat Ross]] ng [[Antartika]] sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula [[Indonesia]] hanggang sa baybayin ng [[Colombia]]. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang [[Kipot ng Malaka]]. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa [[Bambang ng Marianas]] sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot ''(sea level)''.
 
Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng 25,000 mga [[pulo]] (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo). (Silipin: [[Mga Isla ng Pasipiko]].) Marami rito ay matatagpuan sa timog ng [[ekwador]]. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang [[Dagat Selebes]], [[Dagat Korales]], [[Dagat Timog Tsina]], [[Dagat Silangang Tsina]], [[Dagat Hapon]], [[Dagat Luzon]], [[Dagat Sulu]], [[Dagat Tasman]] at [[Dagat Dilaw]]. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang [[Karagatang Indiyan]] sa kanluran at ang [[Kipot ng Magallanes]] ang nagkakabit sa Pasipiko sa [[Karagatang Atlantiko]] sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko sa [[Karagatang Artiko]].
 
Ang manunuklas na [[Portugal|Portuges]] na si [[Ferdinand Magellan]] ang nagpangalan sa karagatan. Ito ay dahil sa napansin nyang kalmado ang tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mula [[Kipot ni Magallanes]] hanggang [[Pilipinas]]. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maraming [[bagyo]] at [[hurakan]] ang tumatama sa mga isla nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mga [[bulkan]] at kadalasang niyayanig ng [[lindol]]. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig ang [[tsunami]] na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito.
1,038

edit