Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "AlDub"

2,271 byte added ,  5 year ago
Nagdagdag ng mga sanggunian
(Nagdagdag at inayos ang impormasyon)
(Nagdagdag ng mga sanggunian)
Noong 2015, si Alden Richards, na katatapos lamang sa pagganap sa palabas na ''[[Ilustrado]]'' (2014), ay inanyayahang maging bahagi ng ''Eat Bulaga!'' bilang punong-abala sa loob ng isang buwan. Pinangunahan niya ang iba't ibang mga ''segment'' gaya ng "Pak na Pak" at kinalauna'y "That's My Bae" kasama ang DJ sa radyo na si [[Sam YG]].<ref name="The Philippine Star 1" /> Isang buwan ang lumipas, si [[Maine Mendoza]] naman, na unang sumikat dahil sa pagpapaskil ng mga bidyo ng [[Dubsmash]] sa iba't ibang ''social media'', ay nag-odisyon para sa programa matapos siyang mapansin ng mga prodyuser ng programa.<ref name="The Philippine Star 2" /> Kinalauna'y napasali si Mendoza sa programa noong Hulyo 2015.<ref name="The Philippine Star 2" /> Naalala niyang orihinal dapat siyang gaganap bilang abogado sa "Juan for All, All for Juan" ''segment'' ng programa, subalit sa huli'y itinampok siya bilang si Yaya Dub ('''D'''ivina '''U'''rsula '''B'''ukbukova Smash), isang [[kasambahay]] para sa karakter ni [[Wally Bayola]] na si Lola Nidora.<ref name="The Philippine Star 2" /> Gamit ang kanyang kasikatan sa Dubsmash, nakikipagtalastasan lamang si Mendoza sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ''dubbing'' at unang ginampanan ang pagiging isang supladang Yaya Dub.<ref name="The Philippine Star 2" /> Subalit sa 16 Hulyo 2015 na pagsasahimpapawid ng programa,<ref name="Manila Standard Today 1" /> nawala sa karakter si Yaya Dub nang siya'y ngumiti at kinilig habang ipinakikita sa ''split screen'' si Richards, na siyang nagbunsod sa mga prodyuser ng ''Eat Bulaga!'' na gawing tambalan ang dalawa.<ref name="Manila Standard Today 1" /><ref name="The Philippine Star 2" /> Ibinunyag ni Mike Tuviera, direktor ng programa, na aksidente lamang ang pagkakabuo ng tambalan.<ref name="Bandera 1" /> Ang pangalang "AlDub" ay isinilang mula sa pagsasanib ng pangalan ng tambalan, ang Alden at Yaya Dub.<ref name="Rappler 2" /> Bagama't naitatampok sa programa, hindi pa nagtatagpo ang dalawa nang personal, at nakapag-uusap lamang sa pamamagitan ng mga bintana ng ''split screen'' at paggamit ng mga linya ng ''audio sample'' mula sa mga sikat na palabas sa pelikula at telebisyon.<ref name="Rappler 1" />
 
=== "KalyeSeryeKalyeserye" ===
{{main|Kalyeserye}}
<blockquote>''Pangunahing artikulo:'' [[Kalyeserye|''KalyeSerye'']]</blockquote>Dahil sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa tambalang AlDub, nagpasya ang mga prodyuser ng ''Eat Bulaga!'' na gumawa ng isang mala-seryeng programang may habang 30 minuto sa ''segment'' ng "Juan For All, All for Juan" para sa dalawa.<ref name="Inquirer 2" /> Tinawag na "KalyeSerye[[Kalyeserye]]" (o seryeng nagaganap sa kalye), inilarawan ito bilang isang halaw sa mga dramang pantelebisyon sa Pilipinas na isinasagawa sa pamamagitan ng aktuwal na pagganap, at isinasahimpapawid nang ''live'' mula sa isang kalye ng barangay na tampok sa "Juan for All, All for Juan".<ref name="Inquirer 2" /> Inilarawan ni Poochie Rivera, isa sa mga direktor ng programa, ang serye bilang "natural at walang kinakabisang diyalogo", at inilahad niyang "Wala ritong ineensayo. Tinatangka naming panatilihin ang pagiging natural ng programa dahil iyon ay malaking bahagi ng kagandahan ng programa."<ref name="Inquirer 2" /> Pinangungunahan ng tambalang nag-iibigan na AlDub, tampok din sa KalyeSerye sina [[Wally Bayola]] (bilang Donya/Lola Nidora at iba't ibang tauhan); [[Jose Manalo]] (bilang Frankie A. Arinoli, Lola Tinidora at iba't ibang tauhan), at [[Paolo Ballesteros]] (bilang Lola Tidora at iba't ibang tauhan) at iba pang mga karakter.<ref name="Inquirer 2" />
 
Ilan sa mga nalikhang patawa at kuwento sa loob ng nasabing serye ay kinabibilangan ng "Pabebe Wave" (isang pagbabago mula sa pagkaway ng mga kalahok sa timpalak-kagandahan) sa pagitan nina Alden at Yaya Dub,<ref name="The Philippine Star 1" /><ref name="Rappler 2" /> ang pagpupumilit ni Lola Nidora na pagtambalin sina Yaya Dub at Frankie (na tinawag na "YaKie", pinagsamang mga pangalan nila),<ref name="GMA Network 1" /> ang pagbibigay ni Lola Nidora ng mga mahihirap na pagsubok kay Alden,<ref name="GMA Network 2" /> at ang pagiging walang silbi nina Rogelio, Rogelio, Rogelio at Rogelio, ang mga ''bodyguard'' o bantay-tauhan ni Lola Nidora.<ref name="GMA Network 4" /> Ang pangunahing kuwento ng KalyeSerye ay isang mala-[[Cinderella]] na pagbabawal sa pag-iibigan sa pagitang ng tambalang AlDub, na may pangunahing layuning magkita ng personal ang dalawa, bagay na patuloy na tinututulan ni Lola Nidora.<ref name="Rappler 2" /><ref name="Rappler 3" /><ref name="Inquirer 2" />
 
=== Epekto sa ''social media'' ===
Mula sa 3.5 milyong ''tweet'' sa loob ng 24 na oras, napakabilis dumami ng mga sumusunod sa AlDub sa Twitter, na dumoble at naging mahigit 6 na milyon noong 5 Setyembre 2015, at muli pang dumoble at naging 12 milyon noong 19 Setyembre 2015. Noong 26 Setyembre 2015, naabot nila ang pinakamataas na bilang ng ''tweet'' sa Twitter para sa #ALDubEBforLOVE, na nagtala ng 25.6 na milyong ''tweet'' sa loob lamang ng isang araw, na bumasag sa kanilang sariling rekord na 12.1 milyong ''tweet'' sa loob ng 24 na oras para sa #ALDUBMostAwaitedDate noong 19 Setyembre. Parehong naging espesyal ang mga kabanatang iyon ng Kalyeserye para sa relasyon ng tambalang AlDub. Maging ang ''ratings'' nito sa telebisyon ay umangat nang husto at naabot pa ang antas ng mga laban ni Manny Pacquiao; nakapagtala sila ng napakataas na 45.7% sa Mega Manila, habang sa buong Pilipinas naman ay 30.8%.<ref name="Philippine Entertainment Portal 4" /><ref name="Philippine Entertainment Portal 5" /><ref name="Philippine Entertainment Portal 6" /><ref name="Philippine Entertainment Portal 7" /><ref name="Philippine Entertainment Portal 8" />
 
== Mga sanggunian ==
<ref name="Philippine Entertainment Portal 3">
{{cite web |url=http://www.pep.ph/guide/agb/19392/agb-nielsen-mega-manila-ratings-august-9-12-2015-on-the-wings-of-love-defeats-rival-aldub-near-meeting-pushes-eat-bulaga-rating-to-more-than-four-times-the-rating-of-itrsquos-showtime |title=AGB Nielsen Mega Manila Ratings (August 9-12, 2015): On The Wings of Love defeats rival; AlDub near-meeting pushes Eat Bulaga rating to more than four times the rating of It's Showtime |first=Mark Angelo |last=Ching |work={{noitalic|Philippine Entertainment Portal}} |publisher=Summit Media |date=10 Ago 2015 |accessdate=17 Ago 2015}}
</ref>
<ref name="Philippine Entertainment Portal 4">
{{cite web |url=http://www.pep.ph/news/57636/aldubmostawaiteddate-amasses-more-than-12m-tweets-god-gave-me-you-singer-asks-what-is-aldub |title=AlDub first date amasses 12M tweets; "God Gave Me You" singer asks: 'What is ALDUB?' |first=Erwin |last=Santiago |work={{noitalic|Philippine Entertainment Portal}} |publisher=Summit Media |date=20 Set 2015 |accessdate=18 Okt 2015}}
</ref>
<ref name="Philippine Entertainment Portal 5">
{{cite web |url=http://www.pep.ph/peparazzi/videos/5710/here-are-some-of-the-12-million-aldub-twitterati-showing-how-crazy-they-are-for-their-idols |title=Here are some of the 12 million ALDUB Twitterati showing how crazy they are for their idols |work={{noitalic|Philippine Entertainment Portal}} |publisher=Summit Media |date=20 Set 2015 |accessdate=18 Okt 2015}}
</ref>
<ref name="Philippine Entertainment Portal 6">
{{cite web |url=http://www.pep.ph/guide/tv/20592/how-did-aldub-second-date-aldubebforlove-and-showtimekapamilyaday-fare-in-ratings-game |title=(UPDATED) How did AlDub second date #ALDUBEBforLOVE and #ShowtimeKapamilyaDay fare in ratings game? |work={{noitalic|Philippine Entertainment Portal}} |publisher=Summit Media |date=28 Set 2015 |accessdate=18 Okt 2015}}
</ref>
<ref name="Philippine Entertainment Portal 7">
{{cite web |url=http://www.pep.ph/news/57964/aldubebforlove-breaks-new-twitter-record-with-256m-tweets#teQzaizJf4HBdwzG.99 |title=#ALDubEBforLOVE breaks new Twitter record with 25.6M tweets |first=Erwin |last=Santiago |work={{noitalic|Philippine Entertainment Portal}} |publisher=Summit Media |date=27 Set 2015 |accessdate=18 Okt 2015}}
</ref>
<ref name="Philippine Entertainment Portal 8">
{{cite web |url=http://www.pep.ph/news/57932/alden-richards-and-maine-mendoza-overwhelmed-by-more-than-20m-tweets-for-aldubebforlove |title=Alden Richards and Maine Mendoza overwhelmed by more than 20M tweets for #ALDubEBforLOVE |first=Erwin |last=Santiago |work={{noitalic|Philippine Entertainment Portal}} |publisher=Summit Media |date=26 Set 2015 |accessdate=18 Okt 2015}}
</ref>
<ref name="Veritas 1">
623

edit