Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Chromosome"

walang buod ng pagbabago
m (Revision as of 14:44, 25 December 2013)
[[Talaksan:Chromosome.svg|300px|thumb|right|Diagrama ng isang replikadong(kinopya) at kondensadong(siksik) na metaphase na [[eukaryotiko]]ng kromosoma. (1) [[Chromatid]] na isa sa identikal na mga bahagi ng kromosome pagkatapos ng [[yugtong S]]. (2) [[Centromere]] na punto kung saan ang dalawang chromatid ay nagdadampi (3) Maikling braso. (4) Mahabang braso.]]
Ang '''kromosoma'''(Ingles: o '''chromsomekulaylawas''') ay isang inayos na istraktura ng [[DNA]] at [[protina]]ng matatagpuan sa mga [[selula]]. Ito ay nag-iisang piraso ng pinulupot na [[DNA]] na naglalaman ng maraming mga [[gene]], mga regulatoryong elemento at ibang sekwensiya ng [[nucleotide]]. Ang mga kromosoma ay naglalaman rin ng tinatakdaan ng DNA na mga protina na nagsisilbing tagabalot ng DNA at tagakontrol ng mga tungkulin nito.
 
Ang mga kromosoma ay malawak na magkakaiba sa pagitan ng iba't ibang mga [[organismo]]. Ang [[molekula]] ng [[DNA]] ay maaring sirkular(pabilog) o linyar(tuwid) at maaaring binubuo ng 100,000 hanggang 10,000,000,000 mga [[nucleotide]] sa isang mahabang kadena(chain). Sa tipikal, ang mga selulang [[eukaryotiko]] na mga selulang may [[nucleus ng selula|nuclei]] ay may malaking linyar na mga kromosoma at ang mga selulang [[prokaryotiko]] na mga selulang walang mailalarawang [[nucleus ng selula|nuclei]] ay may maliit na sirkular na mga kromosoma bagaman maraming mga eksepsiyon sa patakarang ito. Gayundin, ang mga [[selula]] ay maaari ring maglaman ng isang uri ng kromosoma. Halimbawa, ang [[mitochondria]] sa halot lahat ng mga [[eukaryotes]] at [[chloroplast]] sa [[halaman]] ay may mga sariling kromosoma.
114

edits