Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Matematiko"

walang buod ng pagbabago
(wikified)
Ang isang '''matematiko''' ay isang taong gumagamit ng malawak na kaalaman sa [[matematika]] sa kanyang trabaho, kadalasa'y para lumutas ng mga problemang pang-matematika. Ang matematika ay tungkol sa mga [[bilang|numero]], datos, dami, estruktura, kalawakan, modelo at pagbabago.
 
Isa sa mga unang nakilalang matematiko ay si [[Thales]] ng Miletus (halos 624 na taon hanggang 546 taon bago mabuhay si [[Kristo]]); siya ay hinirang na unang tunay na matematiko at unang kilalang indibiduwal na nai-ugnay sa isang matematikang pagkatuklas. Siya ay binigyan ng papuri dahil sa kanyang unang paggamit ng deduksyong [[pangangatuwiran]] na ginamit sa heometriya, sa pamamagamitan ng apat na resultang pahayag ng teorama ni Thales.
 
Ang bilang ng mga kilalang matematikon ay dumami noong itinayo ni [[Pythagoras]] ng Samos (halos 582 na taon hanggang 507 na taon bago mabuhay si Kristo) ang Paaralan ni Pythagoras, na may doktrina na ang matematika ang namamahala sa buong kalawakan at may [[moto]] na "Ang lahat ay numero." Ang mga tagasunod ni Pythagoras ang lumikha ng salitang "matematika" at nagpasimula ng pag-aaral ng matematika para sa sarili nitong kapakanan.