Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Poland"

m
redakcyjne
m (→‎Politika: redakcyjne)
m (redakcyjne)
Isang [[demokrasya]] ang Poland, ayon sa [[Saligang Batas ng Poland|saligang batas]] na inangkin nito noong 1997. Pinamumunuan ito ng isang [[pangulo]] bilang [[pinuno ng estado]], ngunit nakatuon ang balangkas ng pamahalaan sa isang [[punong ministro]] ({{lang-pl|premier}}) bilang [[pinuno ng pamahalaan]], na nakasentro sa [[Konseho ng mga Ministro (Poland)|Konseho ng mga Ministro]] bilang [[gabinete]] nito. Binubuo ang Konseho ng mga ministrong ipinili ng Pangulo sa payo ng Punong Ministro, at karaniwa'y nagmumula sa partidong may mayoridad sa tagapagbatas ang mga ministrong bumubuo nito.
 
Kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Poland si [[Andrzej Duda]], na inihalal noong 2015 makatapos namatay ang nanguna sa kaniya, si [[Bronisław Komorowski]]. Nanunungkulan naman bilang Punong Ministro si [[Beata Szydło]].
 
May dalawang kapulungan ang [[Asambleang Pambansa ng Poland|Asambleang Pambansa]] (''Zgromadzenie Narodowe''), ang tagapagbatas ng Poland: ang [[Sejm]], na may 460 kinatawan (''poseł'', literal na "sugo"), at ang [[Senado ng Poland|Senado]], na binubuo ng 100 senador. May mariskal (ispiker) na namumuno sa bawa't kapulungan ng Asamblea. Gayunpaman, hindi nagkakaisa ang dalawang magkahiwalay na kapulungan maliban na sa tatlong pagkakataon: kapag may bagong Pangulo at siya'y manunumpa sa Asamblea, kapag may habla laban sa Pangulo sa Tribunal ng Estado, o kapag nais ihayag ng Asamblea na wala nang kakayahan ang Pangulo na manungkulan sa posisyon. Kasalukuyang nangyari lamang ang unang pagkakataon sa pagtatanghal ng Pambansang Asamblea.
17

edit