Emilio Aguinaldo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Hydriz (usapan | ambag)
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.144.37.218 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Linya 25:
 
==Kabataan==
Si '''Emilio AguinaldodoAguinaldo y Famy''' ay isang Pilipinong heneral, politiko, at lider ng rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya sa [[Kawit|Cavite el Viejo]], [[Cavite]] noong 22 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang ''gobernadorcillo'' at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa [[Colegio de San Juan de Letran]], ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kanyang nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si ''Miong'' ay naging ''cabeza de barangay'' sa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang [[en.wikipedia.org/wiki/Maura Law|Maura Law]] na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na ''gobernadorcillo'' sa ''capitan municipal''. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na tinawag na ''capitan municipal''..
 
==Rebolusyong Pilipino==
Linya 34:
Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsiya ng [[Cavite]] ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.
 
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si marinellaTirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang ''null'' at di-wasto ang kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa [[Morong, Rizal|Morong]], [[Rizal]]
 
kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang ''null'' at di-wasto ang kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa [[Morong, Rizal|Morong]], [[Rizal]]
 
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang ''mock trial'', nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng ''firing squad'' noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.