Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "One Direction"

2,169 bytes added ,  4 years ago
Nagdagdag ng mga bagong tala
(rv vandalism)
(Nagdagdag ng mga bagong tala)
}}
 
Ang '''One Direction''' (kadalasang dinadaglat bilang '''1D''') ay isang ''pop'' na bandang [[Ingles]]-[[Irlandes]] (''English-Irish pop boy band'') na nakabase sa [[Londres]], at binubuo nina [[Niall Horan]], [[Liam Payne]], [[Harry Styles]] at [[Louis Tomlinson]]. Kasapi si [[Zayn Malik]] sa banda mula nang ito'y mabuo noong 2010 hanggang sa kanyang pag-alis noong 25 Marso 2015. Sila ay nakapirma sa ''record label'' ni [[Simon Cowell]] na ''[[:en:Syco Music|Syco Records]]''<ref>{{cite news|last=Lee |first=Cara |url=http://www.thesun.co.uk/sol/homepage/showbiz/tv/x_factor/3277896/Simon-Cowell-snaps-up-Cher-Rebecca-and-One-Direction.html |title=Simon Cowell snaps up Cher, Rebecca and One Direction |work=The Sun |date=15 Dis 2010 |accessdate=23 Ago 2011 |location=London}}</ref> matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng programang pantelebisyon sa [[Britanya]], ang [[The X Factor]]. Bunsod ng ''social media'' kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang [[Up All Night]] (2011), [[Take Me Home]] (2012), [[Midnight Memories]] (2013) at [[Four (album ng One Direction)|Four]] (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "[[What Makes You Beautiful]]", "[[Live While We’re Young]]", "[[Story of My Life]]", at "[[Steal My Girl]]". Ang kanilang ikalimang album, ang ''[[Made in the A.M.]]'', ay inilabas noong Nobyembre 2015.
 
Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (''[[:en:Brit Awards|Brit Awards]]''), apat na MTV Gantimpala sa Awit-Bidyo (''[[:en:MTV Video Music Awards|MTV Video Music Awards]]''), 11 MTV Gantimpala sa Musika sa Europa (''[[:en:MTV Europe Music Awards|MTV Europe Music Awards]]''), 19 na [[:en:Teen Choice Awards|Teen Choice Awards]], at marami pang iba. Ayon kay Nick Gatfield, tagapangulo at punong ehekutibo ng ''[[:en:Sony Music Entertainment|Sony Music Entertainment UK]]'', kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo (''business empire'') noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" (''Top New Artist'') ng 2012 ng ''[[:en:Billboard (magazine)|Billboard]]''.<ref>{{cite web|first=Andrew |last=Hampp |url=http://www.billboard.com/articles/news/1481395/one-direction-qas-with-billboards-top-new-artist-of-2012/ |title=One Direction: Q&As With Billboard's Top New Artist of 2012 |publisher=Billboard |date=14 Dis 2012 09:00 EST |accessdate=08 Ago 2013}}</ref> Ayon sa ''[[:en:Sunday Times Rich List|Sunday Times Rich List]]'', nitong Abril 2013 ang banda ay tinatayang may kabuuang pinagsama-samang personal na yaman na £25 milyon ($41.2 milyon), dahilan upang sila'y maging pangalawang pinakamayayamang musikero sa Nagkakaisang Kaharian na nasa edad pababa sa 30.<ref>{{cite web|last=Lucey |first=Kate |url=http://www.sugarscape.com/main-topics/celebrities/851889/sunday-times-rich-list-2013-one-direction-zoom-under-30s-paul-mccartn |title=THE SUNDAY TIMES RICH LIST 2013 - ONE DIRECTION ZOOM INTO UNDER 30S, PAUL MCCARTNEY REMAINS LOADED |date=10 Abr 2013 |accessdate=29 Ago 2013}}</ref> Noong 2014, itinala sila ng ''[[:en:Forbes|Forbes]]'' bilang ikalawang may pinakamalaking kinitang artista na nasa edad pababa sa 30, na nakapagtala ng kitang tinatayang nasa $75 milyon mula Hunyo 2013 hanggang Hunyo 2014.<ref>{{cite web|last=Mizoguchi |first=Karen |url=http://www.dailymail.co.uk/tvshowbiz/article-2848144/Justin-Bieber-Forbes-highest-earning-celebrity-30-pocketing-80m-year-just-cover-costly-legal-woes.html |title=Justin Bieber is Forbes' highest-earning celebrity under 30 pocketing $80m this year... which should just about cover his costly legal woes |work=Daily Mail Online |location=UK |publisher=Associated Newspapers Ltd |date=24 Nob 2014 |accessdate=26 Nob 2014}}</ref> Noong Hunyo 2015, itinala ng ''Forbes'' ang kanilang kita na nasa $130 milyon sa loob ng nakalipas na 12 buwan, at inihanay sila bilang ikaapat na artistang may pinakamalaking kita sa buong mundo.
 
Matapos ilabas ang ''Four'', ang One Direction ang naging unang banda sa kasaysayan ng [[:en:Billboard 200|''Billboard'' 200]] ng Estados Unidos na nagkaroon ng unang apat na album na nag-umpisang numero uno.<ref>{{cite news|first=Caulfied |last=Keith |url=http://www.billboard.com/articles/columns/chart-beat/6327789/one-direction-four-no-1-debut-billboard-200 |title=One Direction’s ‘Four’ Makes Historic No. 1 Debut on Billboard 200 Chart |work=Billboard |date=26 Nob 2014 11:00 AM EST |location=US |accessdate=28 Nob 2014}}</ref> Ang kanilang ikatlong album na ''Midnight Memories'' ang naging pinakamabiling album sa buong mundo noong 2013 bagaman at inilabas lamang ito noong huling bahagi ng Nobyembre 2013.<ref>{{cite news|url=http://www.bbc.com/news/entertainment-arts-28599903 |title=One Direction top 2013 global album chart |publisher=BBC |date=01 Ago 2014 |location=London |accessdate=05 Okt 2014}}</ref> Ang ''Where We Are Tour'' upang itaguyod ang ''Midnight Memories'' at ''Four'' ang may pinakamalaking kinitang konsiyerto noong 2014, at pinakamalaki sa lahat ng mga grupong mang-aawit, na kumita ng $282 milyon. Noong 2014, pinangalanan ng ''Billboard'' ang One Direction bilang nangungunang mang-aawit ng taon.<ref>{{cite news|first=Keith |last=Caulfield |url=http://www.billboard.com/articles/events/year-in-music-2014/6386043/the-year-in-pop-2014-one-direction-frozen-pharrell |title=The Year in Pop 2014: One Direction, 'Frozen,' & Pharrell Dominate |publisher=Billboard |date=09 Dis 2014 12:15 PM EST |location=New York |accessdate=13 Dis 2014}}</ref> Kasalukuyang nakapahinga (''hiatus'') ang banda, na kanilang inanunsiyo noong 2015 at inaasahang magtatagal ng mga 18 buwan.
 
== Kasaysayan ==
Noong 22 Nobyembre, naibalitang ang kanilang tagapamahala sa paglalakbay (''tour manager'') na si Paul Higgins, na kasama na ng grupo mula nang ito'y mabuo, ay umalis na at iniwan ang banda.<ref>{{cite news|url = http://www.mirror.co.uk/3am/celebrity-news/one-direction-tour-boss-quits-4678063 |title=One Direction tour boss quits after Zayn Malik bust-up |first=Simon |last=Boyle |work=Mirror.co.uk |location=London |date=22 Nob 2014 23:26 |accessdate= 23 Nob 2014}}</ref> Sa isang artikulo ng ''[[:en:E! News|E! News]]'' na ipinaskil noong 04 Disyembre, itinalá ang tambalang Styles at Tomlinson bilang ikatlong pinakatampok na paksa tungkol sa ''[[:en:Shipping (fandom)|shipping]]'' o inaakalang pag-uugnay sa kanila ng mga tagahanga sa mga nagsasagawa ng ''[[:en:Reblogging|reblogging]]'' sa [[Tumblr]], katuwang ang tambalang Styles at Horan sa ikasiyam na puwesto, at Payne at Malik naman sa ikalabing-lima.<ref>{{cite news|url = http://www.eonline.com/news/603497/2014-s-most-shipped-couple-is |title=2014's Most Shipped Couple Is... |first=Jenna |last=Mullins |work=E! Online |location=New York |date=04 Dis 2014 1:11 PM PST |accessdate=09 Dis 2014}}</ref> Kinumpirma ng banda sa Parangal ng Musika ng BBC (''[[:en:BBC Music Awards|BBC Music Awards]]'') na kasunod ng tagumpay ng ''Four'', umaasa silang magpatuloy patungo sa "ibang lugar" ang kanilang musika sa ikalima nilang album.<ref>{{cite web|first=Amy |last=Davidson |url=http://www.digitalspy.co.uk/music/news/a616171/one-direction-confirm-fifth-album-with-sound-to-go-somewhere-else.html |title=One Direction confirm fifth album, with sound to go "somewhere else" |work=Digital Spy |location=UK |date=12 Okt 2014 11:37 GMT |accessdate=13 Dis 2014}}</ref>
 
Noong 25 Marso 2015, nagpalabas ng opisyal na pahayag ang One Direction na nagsabing lumisan na si Malik mula sa banda.<ref>{{cite web|first=Todd |last=Leopold |url=http://edition.cnn.com/2015/03/25/entertainment/feat-zayn-malik-leaving-one-direction/index.html |title=Zayn Malik leaving One Direction |work=CNN |publisher=Cable News Network |date=26 Mar 2015 03:13 GMT |accessdate=26 Mar 2015}}</ref><ref>{{cite web|first=Brittany |last=Spanos |url=http://www.rollingstone.com/music/news/zayn-malik-quits-one-direction-20150325 |title=Zayn Malik Quits One Direction |work=Rolling Stone |location=UK |publisher=Rolling Stone |date=25 Mar 2015 |accessdate-26 Mar 2015}}</ref> Nagpapatuloy ang apat na natitirang kasapi bilang bahagi ng banda.<ref>{{cite web|first=Del |last=Crookes |url=http://www.bbc.co.uk/newsbeat/32057401 |title=Zayn Malik is leaving One Direction but group continues as four-piece |work=Newsbeat |location=UK |publisher=[[BBC]] |date=25 Mar 2015 |accessdate=26 Mar 2015}}</ref><ref>{{cite web|first=Joe |last=Lynch |url=http://www.billboard.com/articles/news/6509661/zayn-malik-one-direction-exit-explanation |title=Zayn Malik Explains One Direction Exit: 'I Have To Do What Feels Right in My Heart' |work=Billboard |location=US |publisher=Prometheus Global Media |date=25 Mar 2015 1:09 PM EDT |accessdate=26 Mar 2015}}</ref> Ginawa ng grupo ang kanilang unang opisyal na paglabas sa publiko bilang apat na miyembrong banda sa programang ''The Late Late Show with James Corden'' noong 14 Mayo, kung saan kinumpirma nilang magpapatuloy sila bilang grupo nang walang ikalimang kasapi.
 
=== 2015: Made in the A.M. at ang pamamahinga ===
Noong 31 Hulyo 2015, inilabas ng grupo ang [[Drag Me Down]] nang walang kahit anong patalastas o anunsiyo. Ito ang unang isahang awit mula sa kanilang ikalimang album na [[Made in the A.M.]], at kanilang unang materyal na inilabas matapos ang paglisan ni Malik. Matapos nito'y ibinunyag na pansamantalang magpapahinga ang grupo sa 2016. Noong 22 Setyembre, ang pangalan ng kanilang ikalimang album na ''Made in the A.M.'' ay opisyal na ipinahayag kasabay ng pagtataguyod ng kanilang isahang awit na [[Infinity (awit ng One Direction)|Infinity]]. Sinimulan ng grupo na ibunyag ang nilalaman ng album at tuluyang nakumpirma sa [[iTunes]]. Inilabas ang album noong 13 Nobyembre 2015. Sa ginanap na 2015 ''American Music Awards'' noong 22 Nobyembre, muling nagwagi ang One Direction bilang Mang-aawit ng Taon, ang ikalawang magkasunod na taon ng kanilang pagwawagi sa parangal. Kinumpirma kinalaunan ni Louis Tomlinson na ang kanilang pamamahinga ay magtatagal ng 18 buwan. Noong 13 Disyembre nagtanghal ang One Direction sa huling palabas ng ''The X Factor''. Ang kanilang huling pagtatanghal bilang grupo bago ang kanilang pamamahinga na ipinalabas sa telebisyon ay sa ''New Year's Rocking Eve'' noong 31 Disyembre 2015.
 
== Estilong Pangmusika ==
* ''[[Midnight Memories]]'' (2013)
* ''[[Four (album ng One Direction)|Four]]'' (2014)
* ''[[Made in the A.M.]]'' (2015)
 
== Mga Lakbay-Konsiyerto ==
623

edit