Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "One Direction"

Noong Disyembre 2013, muling nakabura ng panibagong rekord ng benta sa UK ang One Direction sa inilabas na [[DVD]] at [[Blu-Ray]] ng 3-D na pelikula-konsiyerto nilang "This is Us." Batay sa ulat, halos 270,000 kopya ng pelikula ang nabenta sa UK sa loob lamang ng tatlong araw na labas nito, at tumalo sa rekord na dating inilagay ng [[Michael Jackson: This is It|This is It]] ni [[Michael Jackson]] noong 2010 ng 10,000 kopya.<ref>{{cite web|first=Daniel |last=Lane |title=One Direction beat Michael Jackson’s chart record |url=http://www.officialcharts.com/chart-news/one-direction-beat-michael-jacksons-chart-record-2695/#.Ur4VQbWDpK0.twitter |work=Official Charts Company |date=23 Dis 2013 |accessdate=24 Ago 2014}}</ref> Pinangalanan ang grupo bilang Nangungunang Mang-Aawit sa Buong Mundo ng 2013 ng [[:en:International Federation of the Phonographic Industry|IFPI]] dahil sa lakas ng mga ''digital downloads'', mga pisikal na album, ''on-demand streams'' at mga bidyo-awit.<ref>{{cite web|first=Adam |last=Sherwin |title=One Direction named top Global Recording Artist in new award |url=http://www.independent.co.uk/arts-entertainment/music/news/one-direction-named-top-global-recording-artist-in-new-award-9093917.html |work=The Independent |date=30 Ene 2014 |accessdate=24 Ago 2014}}</ref>
 
=== 2014-kasalukuyan15: ''Four'' at paglisan ni Malik ===
[[File:OnedirectionWWATchile.jpg|thumb|left|One Direction sa entablado sa [[Santiago, Chile]] noong 14 Abr 2014 sa kanilang ''[[::en::Where We Are Tour (One Direction)|Where We Are Tour]]'' ]]
Noong 27 Abril 2014, nakumpirmang ginagawa na ng One Direction ang kanilang ikaapat na ''studio album''.<ref>{{cite web|first=Dan |last=Wootton |title= We’ll be together as long as fans want us: One Direction blast break-up rumours in a world exclusive interview |url=http://www.thesun.co.uk/sol/homepage/showbiz/dan-wootton/5592768/One-Direction-blast-rumors-of-a-split-in-exclusive-interview-with-The-Sun-On-Sunday.html |work=The Sun |date=27 Abr 2014 |accessdate=24 Ago 2014}}</ref> Nabalitang nakipagtrabaho ang [[Good Charlotte]] kina Payne at Tomlinson sa pagsusulat ng mga kanta.<ref>{{cite web|first=Bruna |last=Nessif |title= Liam Payne and Louis Tomlinson Team Up With Good Charlotte for Upcoming One Direction Album |url=http://www.eonline.com/news/519637/liam-payne-and-louis-tomlinson-team-up-with-good-charlotte-for-upcoming-one-direction-album |work=E! Online |date=10 Mar 2014 5:03 PM PDT |accessdate=24 Ago 2014}}</ref> Inangkin ni Payne na ang album ay magiging "''edgier''" at karamihan sa mga kanta'y isinulat ng grupo.<ref>{{cite web|first=Christina |last=Garibaldi |title= One Direction’s Next Album Will Be ‘A Little Bit More Edgy’ |url=http://www.mtv.com/news/1897411/one-direction-next-album-today-show/ |work=MTV |date=13 Ago 2014 |accessdate=24 Ago 2014}}</ref> Noong 21 Hulyo, inanunsiyo ng One Direction ang parating nitong pelikula-konsiyertong pinamagatang ''Where We Are'', na nagdodokumentaryo sa konsiyertong ginanap sa Estadyo ng San Siro noong kanilang ''Where We Are Tour''.<ref>{{cite web|url=http://www.amazon.co.uk/Where-We-Are-Live-Stadium/dp/B00KH0VSOU/ref=sr_1_1?s=dvd&ie=UTF8&qid=1400834967&sr=1-1&keywords=B00KH0VSOU&tag=smarturl-gb-21 |title=Where We Are: Live From San Siro Stadium [DVD] |accessdate=24 Ago 2014}}</ref> Noong 24 Hulyo, isang aklat ng talambuhay na isinulat nila mismo, ang ''Who We Are'' ay inanunsiyong ilalabas sa 25 Setyembre.<ref>{{cite web|first=Thomas |last=Chau |url=http://popcrush.com/one-direction-who-we-are-autobiography/ |title=One Direction Announce ‘Who We Are’ Autobiography |work=PopCrush |date=24 Hul 2014 7:53 PM |accessdate=24 Ago 2014}}</ref>
623

edit