Unang Digmaang Pandaigdig: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 114.108.214.51 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot
(Vishal)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 114.108.214.51 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot)
Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa [[Belhika]], [[Luksemburgo]] at hilagang Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman patungong [[Paris]] ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin sa digmaan ang [[Imperyong Otomano]], Italya, [[Bulgarya]], [[Rumanya]], [[Gresya]] at iba pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang [[Himagsikang Ruso (1917)|Himagsikang Ruso]] noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang [[Estados Unidos]] sa digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre 1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa.<ref>{{harvnb|Calairo|2006|pp=291-293}}</ref><ref>{{harvnb|Guillermo|Almirante|Galvez|Estrella|2004|pp=300-303}}</ref>
 
Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa [[Europa]] mula sa labi ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang [[Liga ng mga Nasyon]] upang pigilan ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang ititinadhana in adamantly to get to see if we have not been able to make it . It is intended to be a good idea, but the best way to go to bed now the most of my life and workng [[Kasunduan ng Versailles]] na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng [[pasismo]] sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang muling sumiklab ang isa pang [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig|pandaigdigang digmaan]] pagsapit nang 1939.<ref name="Calairo 2006 293">{{harvnb|Calairo|2006|p=293}}</ref><ref>{{harvnb|Keegan|1998|pp=7, 11}}</ref>
 
== Panuysuyan ==
464

edits