Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Justin Bieber"

Nagdagdag ng mga tala
(Nagdagdag ng mga tala)
(Nagdagdag ng mga tala)
*2012: {{cite web|last1=Mitchell|first1=John|title=Jennifer Lopez Tops Forbes Celebrity 100|url=http://www.mtv.com/news/1685235/jennifer-lopez-forbes-celebrity-100/|publisher=[[MTV News]]|accessdate=December 6, 2014}}
*2013: {{cite web|title=Oprah Winfrey Regains No. 1 Slot On Forbes 2013 List Of The Most Powerful Celebrities|url=http://www.forbes.com/sites/dorothypomerantz/2013/06/26/oprah-winfrey-regains-no-1-slot-on-forbes-2013-list-of-the-most-powerful-celebrities/|publisher=Forbes|accessdate=June 27, 2013|author=Dorothy Pomerantz|date=June 26, 2013}}</ref>
 
== Maagang pamumuhay ==
Ipinanganak si Bieber noong 1 Marso 1994 sa [[London, Ontario]] sa St Joseph's Hospital, at lumaki sa Stratford, Ontario. Siya ang nag-iisang anak nina Jeremy Jack Bieber at Patricia "Pattie" Mallette. Hindi kailanman ikinasal ang mga magulang ni Bieber. Pinalaki ni Pattie ang kanyang anak katuwang ang kanyang ina na si Diane, at ng kanyang amain na si Bruce. Ang kanyang ina ay may lahing Pranses-Kanadyano; ang kanyang lolo sa tuhod sa kanyang ama ay may lahing Aleman; ang kanyang ibang lahi ay Ingles at Irlandes. Nabanggit din niya na naniniwala siyang may lahi rin siyang ''Aboriginal Canadian''.
 
May mga nakababatang kapatid sa ama si Bieber, sina Jazmyn (ipinanganak noong 2009) at Jaxon (ipinanganak noong 2010). Maraming pinasukang trabaho si Pattie upang mapalaki si Bieber. Patuloy pa ring may ugnayan sina Bieber at kanyang ama.
 
Pumasok si Bieber sa isang mababang paaralang nakatutok sa [[wikang Pranses]] sa Stratford, sa Jeanne Sauvé Catholic School. Sa kanyang paglaki, natutuhan niyang tumugtog ng piyano, tambol, gitara, at trumpeta. Nagtapos siya sa mataas na paaralan sa Stratford, Ontario, sa St. Michael Catholic Secondary School noong 2012 na may gradong 4.0 na GPA. Noong unang bahagi ng 2007, inawit ni Bieber ang awitin ni [[Ne-Yo]] na "So Sick" para sa isang lokal na patimpalak sa Stratford, na naglagay sa kanya sa ikalawang puwesto. Ipinaskil ni Mallete ang bidyo ng kanyang pagganap sa [[YouTube]] upang makita ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Nagpatuloy siya sa pagkakarga ng mga bidyo ni Bieber na umaawit ng iba't ibang mga awiting R&B, at dahil dito'y lumawak ang pagsikat ni Bieber sa nasabing sityo.
 
== Karera sa Musika ==
 
[[Kategorya:Mga mang-aawit mula sa Canada]]
 
 
{{stub|Talambuhay|Musika|Canada}}
623

edit