Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Demonyo"

2,243 byte added ,  5 year ago
walang buod ng pagbabago
m (Bot: Migrating 48 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q177413 (translate me))
Ang '''demonyo'''<ref name=JETE> {{cite-JETE|Demonyo}}</ref> ay isang uri ng masamang espiritu. Binabaybay din itong '''dimonyo''', at tinatawag ding '''diyablo'''. Naglilingkod ang nilalang na ito para kay [[Satanas]]. May kakayahan itong pinsalain o saktan, impluwensiyahan, kontrolin o magkaroon ng kapangyarihan sa isa o maraming mga tao. Subalit, sabi nga sa Bibliya, mas makapangyarihan si [[Hesus]] kaysa demonyo.<ref name=Biblia6>{{cite-Biblia6|''Demon''}}</ref><ref name=LSP>{{cite-LSP|''Demon''}}, pahina 132.</ref>
 
Ang '''diyablo''' (galing sa Griego: διάβολος o diábolos = manloloko o mang-aakusa) ay pinaniniwalaan ng maraming relihiyon, mito at kultura na isang higit sa natural na entidad na siyang personipikasyon ng kasamaan at pinakamatinding kalaban ng [[Diyos]] at sangkatauhan. Ang katangian ng papel nito ay lubos na paiba-iba, mula sa pagiging isang epektibong kalabang pwersa ng manlilikhang diyos, na nakandado sa loob ng napakatagal na pakikibaka para sa mga kaluluwa ng mga tao na para bagang pantay na laban (hanggang sa punto ng [[:en:Dualism|duwalistikong dayteyismo/bayteyismo]]), hanggang sa pagiging komikal na figura ng katuwaan o isang abstrak na aspeto ng kondisyon ng indibidwal na tao.
 
Habang ang meynstrim na Judayismo ay walang kahit anumang konsepto ng diyablo, ang [[Kristiyanismo]] at [[Islam]] ay magkakaibang itinuring ang diyablo na isang nagrerebeldeng itiniwalag na anghel o [[:en:Jinn|jinn]] na nanunukso ng mga tao upang magkasala, kung siya'y hindi gumagawa ng kasalanan mismo. Sa ganitong mga relihiyon, --- sa mga panahon ng dibisyon at pagbabantang panlabas --- ang diyablo ay higit na pinagkamalang nasa isang lagay na duwalistiko na madalas na iniuugnay sa mga erehe, infidel, at iba pang hindi mananampalataya. Ganoon na lang, ang diyablo ay nakikita bilang representasyon ng isang krisis sa pananampalataya, indibidwalismo, malayang kagustuhan, karunungan at kaliwanagan.
 
Sa meynstrim na Islam at Kristiyanismo, ang Diyos at ang diyablo ay palaging pinapakitang nakikipaglaban para sa mga kaluluwa ng mga tao. Pinamumunuan ng diyablo ang pwersa ng masasamang espiritu, madalas na kilala bilang mga demonyo. Ang Bibliyang Hebreo (o Lumang Tipan) ay inilarawan ang Kaaway (ha-satan) na isang anghel na nagpapasimuno ng mga pagsubok para sa sangkatauhan. Marami pang mga relihiyon ang may maninilo at manlolokong figura na kahalintulad ng diyablo. Sa mga modernong pangongonsepto ng ang diyablo, napabibilang ang konseptong siya ang naglalarawan sa mas mababang kalikasan ng tao o ang pagiging makasalanan.
 
== Tingnan din ==
* [[Dimonyong Gadareno]]
 
== Mga sanggunian ==
{{reflist}}Salin sa Filipino mula sa Ingles [[:en:Devil|https://en.wikipedia.org/wiki/Devil]]
 
{{usbong|Kristiyanismo|Bibliya}}
 
==Tingnan din==