Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Kurba ng pangangailangan"

dagdag
(dagdag)
 
[[Image:Supply-and-demand.svg|thumb|right|Isang halimbawa ng isang lumilipat na kurba ng pangangailangan. Ang paglipat mula D1 hanggang D2 ay nangangahulagang ang pagtaas ng pangangailangan kasama ang mga ibinunga para sa ibang mga nagbabago.]]
Sa [[ekonomika]], ang '''kilo ng kahingian''', '''kurba ng pangangailangan''' o '''''demand curve''''' ay ang [[talangguhit]] na nagpapakita ng relasyon ng presyo ng bagay sa dami nito na gustong at kayang bilhin ng tao sa presyong ito. Ito ay grapikong representasyon ng takdang pangangailangan. Ang pangkalahatang ''demand curve'' ay nanggagaling sa mga indibiduwal na kurba ng pangangailangan ng bawat namimili: ang bawat pangangailangan sa bawat presyo ay idinadagdag sa isa’t-isa.
 
Ang kurba ng pangangailangan ay ginagamit para itantiya ang mga pag-uugali ng tao sa kompetisyon na [[merkado]], at ito ay sinasama sa kurba ng panustos para itantiya ang pagkapantay ng presyo (ang presyo kung saan ang dami ng binebenta ng isang bagay ay pareho sa dami ng binibili ng bagay na iyon, na tinatawag din na ang ''clearing price'' ng merkado) at ang pagkapantay ng dami (ang dami ng bagay o serbisyo na pinoprodus at binibili kung saan walang sobra o kulang) ng isang merkado. Sa monopolistikong merkaado, ang kurba ng pangangailangan na tinutuos ng monoplista ay ang kurba ng pangangailangan ng merkado lamang.