Corazon Aquino: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Tegel (usapan | ambag)
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.198.78.235 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Linya 26:
Si María Corazón "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933 sa [[Paniqui, Tarlac]] at ikaapat na anak nina José Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang kanyang mga kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio Cojuangco na kasapi ng [[Kongreso ng Malolos]]. Ang kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban kay [[Manuel L. Quezon]] noong 1941. Si Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Manila sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent sa New York City kung saan nagmajor sa [[Matematika]] at [[Wikang Pranses]]. Siya ay nagboluntero para sa pangangampanya ni United States Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa Pangulo ng Estados Unidos [[Harry S. Truman]] noong 1948 halalang Pagkapangulo. Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag-aral ng Batas sa [[Far Eastern University]] na pag-aari ng mga in-law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes. Siya ay nag-aral ng isang taon. Pinakasalan niya si Sen. [[Benigno S. Aquino, Jr.|Ninoy Aquino]] na anak ng dating Ispiker na si [[Benigno Aquino, Jr.|Benigno S. Aquino, Jr.]]. Sila ay nagkaroon ng limang anak: María Elena (ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora Corazón (ipinanganak noong 27 Disyembre 1957), [[Benigno Aquino III|Benigno Simeon III]] (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa (ipinanganak noong 27 Oktubre 1961) at [[Kris Aquino|Kristina Bernadette]] (ipinanganak noong 14 Pebrero 1971).
 
Ang kanyang asawang si [[Benigno S. Aquino, Jr.|Ninoy Aquino]] ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa [[Senado ng Pilipinas]] noong 1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong [[Ferdinand Marcos]]. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng [[Martial Law]] sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong [[Jimmy Carter]] ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa [[Boston]]. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.
 
===Pagpaslang sa kanyang asawang si Ninoy sa paliparan===
[[Talaksan:Shot Dead on Arrival.JPG|thumb|300px|Pagpatay kay Ninoy Aquino]]
Ang pagpaslang kay [[Ninoy Aquino]] noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa [[Estados Unidos]], si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan ''(commercial)'' na paglipad sa [[Ninoy Aquino International Airport|Manila International Airport]] na kalaunang pinangalanang [[Ninoy Aquino International Airport]] bilang pagpaparangal kay Ninoy.<ref>{{Citation |editor-surname=Javate-De Dios |editor-first=Aurora et al. |title=Dictatorship and Revolution: Roots of People's Power |publisher=Conspectus Foundation Incorporated |publication-date=1988 |isbn=9919108018{{Please check ISBN|reason=Check digit (8) does not correspond to calculated figure.}}{{Please check ISBN|reason=does not match hyphenation rules and is probably invalid}} |page=132}}.</ref> Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong [[sibil na hindi pagsunod]].<ref>{{Citation |last=Schock |first=Kurt |authorlink= |coauthors= |editor= |others= |title=Unarmed Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies |origdate= |origyear= |origmonth= |url= |format= |accessdate= |edition= |series= |date= |year=2005 |month= |publisher= University of Minnesota Press|location= |language= |isbn=0-8166-4192-7 |oclc= |doi= |id= |pages=56 |chapter=People Power Unleashed: South Africa and the Philippines |chapterurl= |quote= }}</ref> Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay naging [[bangkarote]], ang piso ay dumanas ng [[debaluasyon]] ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985.
<ref name=edsa>
{{cite web
| url = http://www.ualberta.ca/~vmitchel/fw9.html
| title = Lakas Ng Bayan: The People's Power/EDSA Revolution 1986
| accessdate = 2007-12-10
| publisher = [[University of Alberta]], [[Canada]]
}}</ref>
 
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice [[Enrique Fernando]] upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si [[Rolando Galman]] ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa iasng may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General [[Fabian Ver]] at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy.<ref name=edsa/> Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa.<ref>http://www.nytimes.com/1990/09/29/world/16-sentenced-to-life-for-killing-aquino.html</ref>.
Line 92 ⟶ 104:
 
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7.<ref name="peoplepower_eyewitness" /> Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga 3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!".<ref name="Ellison">{{Citation |last=Ellison |first=Katherine |last2= |first2= |publication-date=2005
|title=Imelda: Steel Butterfly of the Philippines |publication-place= |publisher=iUniverse |isbn=0-595-34922-6 |page=244 |url=http://books.google.com/?id=Dfl53AtDM0oC&pg=RA1-PA244&dq=Dahil+Sa+sang+by+Imelda+Marcos |accessdate= 2007-12-03 |year=2005}}.</ref> Pagkatapos ng panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
 
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.<ref name="peoplepower_eyewitness" />
 
===Paglisan ng pamilya Marcos sa Pilipinas===