Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Para sa Hopeless Romantic"

Nagdagdag ng mga sanggunian
(Nagdagdag ng mga tala)
(Nagdagdag ng mga sanggunian)
 
== Buod ==
Inisip ni Becca (Nadine Lustre) na nasa kanya na ang lahat ng nais niya sa buhay, hanggang sa isang araw ay nakipaghiwalay sa kanya ang kasintahan niyang si Nikko (James Reid). Mula roon, nagsimulang bumagsak ang lahat ng mga pangarap niya. Upang makabangon, nagsimula siyang sumulat ng kuwento tungkol kay Ryan (Iñigo Pascual), isang estudyanteng may lihim na pagtingin sa kanyang kaklaseng si Maria (Julia Barretto). Subalit bago pa man niya masabi ang tunay niyang nararamdaman, naaksidente siya at nakoma. MatatagpuanMatagpuan kaya ng apat ang "masayang katapusan" (''happy ending'') ng kani-kanilang mga kuwento na kanilang inaasam?
 
== Mga tauhan ==
Nakatanggap ang ''Para sa Hopeless Romantic'' ng magkakaibang puna mula sa mga kritiko ng mga pelikula.
 
Tinawag ni Oggs Cruz ng [[Rappler]] ang pelikula bilang "disente, hindi mapanakit, at tunay na mapang-unawa," at tinukoy na ang pelikula'y hindi gaanong masalimuot at tunay na nakaangkla sa realidad, na siyang nagbibigay-kaibhan sa ibang romantikong pelikula. Ayon kay Cruz, "Marahil ang pinakakapansin-pansing bagay hinggil sa ''Para sa Hopeless Romantic'' ay ang pakiramdam nito na tunay na sumasalamin sa realidad. Habang ang ibang romantikong pelikula'y tila nakakahon sa isang alternatibong Pilipinas kung saan lahat ay makulay at masigla, at nagbibigay sa mga tauhan nila ng mga dahilan upang ituon ang sarili sa pag-ibig sa halip na sa ibang bagay, ang pelikula ni Ranay ay nakalapat sa mundong higit na pamilyar at nararamdaman.<ref name=RAP>{{cite web|last1=Cruz|first1=Oggs|title='Para Sa Hopeless Romantic’ Review: Decent, harmless and perceptive|url=http://www.rappler.com/entertainment/news/93328-para-sa-hopeless-romantic-review-james-reid-nadine-lustre-jadine|website=Rappler|accessdate=30 May 2015}}</ref>
 
Pinuri rin ni Cruz ang pagganap ng pangunahing aktres na si Nadine Lustre, na pumansin sa pagiging taos-puso nito sa pagganap kay Becca, na nagsabing "Nagagawa ni Lustre na pagalawin ang karakter na taglay ang tila walang-saysay niyang paghihirap. Namimighati siya dahil hindi niya magawang makabangon, na umaabot sa puntong lumilikha siya ng mga mabalasik na mga kuwento hinggil sa kawalang-halaga ng pag-ibig. Nananangis siya nang taos-puso at may mataas na pagpupunyagi, at humahagikgik siya nang may kasiglahan nang nakaharap niya ang pagkakataong makahanap ng bagong pag-ibig sa pamamagitan ng nabuong usapan sa upuan."<ref name="RAP"/>
 
Samantala, nagbigay naman si Philbert Ortiz-Dy ng Click the City ng mabagsik na puna sa pelikula, na nagsabing ang ''Para sa Hopeless Romantic'' ay tunay na walang pag-asa.<ref name="CTC">{{cite web|url=http://www.clickthecity.com/movies/a/25975/movie-review-para-sa-hopeless-romantic-is-mainly-hopeless|title=''Para Sa Hopeless Romantic'' is Mainly Hopeless|author=Philber Ortiz-Dy|date=May 14, 2015|work=Click the City|accessdate=May 15, 2015}}</ref> Dagdag pa niya, "At ganun na nga, ang kuwento'y tungkol lamang sa paghihintay sa dalawang tao para magkabalikan, kahit na hindi naman talaga malinaw kung bakit nga ba dapat maging sila. Walang gaanong dahilan upang abangan ang resulta nito. Hindi rin gaanong namuhunan ang pelikula sa kanilang kasiyahan bilang magkapareha. Ginamit ng pelikula ang tadhana upang mailayo ito sa kakulangan ng aktuwal na pag-usad ng istorya."<ref name="CTC" /> Dagdag na tweet pa ni Dy, ang pelikula ay "walang pag-asa, oo, romantiko, hindi."
 
=== Sa takilya ===
Ayon kay Rod Magaru, ang pelikula ay isa sa mga may pinakamababang kinita na ipinrodyus ng Viva at itinaguyod ng Star Cinema,<ref name="RM">{{cite web|url=http://rodmagaru.com/2015/05/18/movie-hopeless-romantic-is-one-of-star-viva-lowest-opening-box-office|title='(MOVIE) "Hopeless Romantic" is one of Star-Viva’s lowest Opening Box Office'|author=Rod Magaru}}</ref> na kumita lamang ng ₱8 milyon sa unang araw nito ayon sa ''tweet'' ni Mico del Rosario ng Star Cinema Ad Promo.
 
== Mga sanggunian ==
{{reflist}}
 
== Mga kawing panlabas ==
*{{IMDb title|4680278|Para sa Hopeless Romantic}}
*[http://starcinema.abs-cbn.com/movies/para-sa-hopeless-romantic ''Para sa Hopeless Romantic''] sa [[Star Cinema|Kabatiran ng Star Cinema]]
623

edit