Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Miguel de Cervantes"

dinagdagan
(pinalawak)
(dinagdagan)
 
== Kapanganakan at unang bahagi ng búhay ==
Ipinagpapalagay na si Cervantes ay isinilang sa [[:en:Alcalá_de_Henares|Alcalá de Henares]], isang lungsod na [[:en:Castile_(historical_region)|Kastilyano]] na may mga 35 kilometro hilagang silangan ng Madrid, marahil noong 29 Setyembre (kapistahan ni [[:en:Michael_(archangel)|San Miguel Arcangel]]) 1547. Ang ipinagpapalagay na petsa ng kaniyang kapanganakan ay nadetermina mula sa mga talâ sa rehistro ng simbahan, dahil sa tradisyon na ang pagpapangalan sa bata ay base sa kung sinong santo ang may kapistahan sa araw ng kapanganakan nito. Bininyagan siya sa Alcalá de Henares noong 9 Oktubre 1547<sup>[[:en:Miguel_de_Cervantes#cite_note-Br-9|[9]]]</sup> sa simbahang pamparokya ng ''Santa María la Mayor''. Ang rehistro ng mga tala ng pagbinyag ay ang sumusunod:<blockquote>Ngayong Linggo, sa ikasiyam na araw ng Oktubre, sa taon ng ating Panginoon isang libo limandaan apatnapu't pitó, si Miguel, anak ni Rodrigo Cervantes at asawa niyang si Leonor, ay bininyagan; ang mga ninong niya ay sina Juan Pardo; siya ay bininyagan ni Kapita-pitagang Batsilyer Bartolomé Serrano, Pari ng Ating Senyora. Mga saksi, Baltasar Vázquez, Sexton, at akó, ang nagbinyag sa kaniya at pinirmahan ito sa aking pangalan. Batsilyer Serrano.</blockquote>Hindi ipinanganak si Miguel na may apelyidong ''Cervantes Saavedra''. Dinagdag niya lang ang "Saavedra" noong matanda na siya. Sa [[:en:Spanish_name|pagpapangalang Espanyol]] ang kaniyang ikalawang apelyido ay ang sa kaniyang ina, Cortinas.{{Authority control}}
 
== Serbisyong militar at pagkakulong ==
Ang mga dahilan ng pag-alis ni Cervantes sa [[:en:Spain|Espanya]] ay nananatiling hindi tiyak. Kung siya ba ay isang "mag-aaral" sa parehas na pangalan, isang "may dalang espada na tumakas sa hustiya", o tumakas mula sa isang royal warrant of arrest, dahil sa nasugatan niya ang isang Antonio de Sigura sa isang duwelo, ay hindi pa tiyak.{{Authority control}}
 
[[Kategorya:Mga Kastila]]
[[Kategorya:Mga manunulat]]
 
 
{{stub|Talambuhay|Espanya}}
 
<!-- interwiki -->