Pananaliksik: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.44.94 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 125.212.120.62
(Pinapalitan ang pahina ng ':jhb dsfidundfudfgdiohwjmh2v30 4jtdyjn y8412025nn6ng4n45nggnnboboboboobobobobbobobbobobbokakakakakakakakaakakakakaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...')
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.44.94 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 125.212.120.62)
Ang '''pananaliksik'''<ref name=FEEF2>{{cite-FEEF2|Pananaliksik, manaliksik, ''research''}}</ref> ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa [[kaalaman]]. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
:jhb dsfidundfudfgdiohwjmh2v30 4jtdyjn y8412025nn6ng4n45nggnnboboboboobobobobbobobbobobbokakakakakakakakaakakakakaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
 
:
Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang '''mananaliksik'''<ref name=JETE/> ng mga kaalaman mula sa mga [[aklatan]] upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isang '''tagapagsaliksik''' o '''tagasaliksik'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Saliksik}}</ref> sa isang [[klinika]], [[laboratoryo]], o kaya isang [[planetaryo]]. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa [[kalawakan]] para pag-aralan ang [[sanlibutan]].<ref name=NBK>{{cite-NBK|Research, basic and applied research}}</ref>
::.
 
== Kasaysayan ==
[[Talaksan:Galileo.arp.300pix.jpg|thumb|right|Kay [[Galileo]] nagsimula ang makabagong gawi sa pananaliksik.]]
Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng [[gulong]] at ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga [[bituin]] ng [[kalangitan]]. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik dahil kay [[Galileo Galilei]] noong mga [[1500]].<ref name=NBK/>
 
== Mga gawain ==
Kabilang sa mga pangunahing gawain sa pagsasaliksik ang mga sumusunod: pagsusukat o pagsusuri ng mga kaganapan o kababalaghan, paghahambing ng nakuhang mga resulta, at ang pag-unawa o pagpapaliwanag ng mga resulta ayon sa mga pangkasalukuyang kaalaman kabilang ang mga nakapagbabagong sangkap, na maaaring makaimpluwensiya sa resulta.
 
== Mga paraan ==
Upang makapagsaliksik, nagpupunta ang isang mananaliksik sa mga [[aklatan]], [[museo]], [[laboratoryo]] nakikipanayam sa mga dalubhasa, at nangongolekto ng mga opinyon sa mga mamamayan. Sa simula, nagbabasa sila ng sangguniang mga aklat na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman o may tiyak na mga paksa, katulad ng [[talahuluganan]], [[ensiklopedya]], [[yearbook|taunang-aklat]], [[atlas]], [[mapa]], [[globo]], at [[indeks]]. Nagsisimula ang isang mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyang napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa mga aklat na pangsanggunian, inaalam niya ang mga pang-alalay na mga paksang kaugnay ng pangunahing paksa.<ref name=NBK/>
 
== Mga uri ==
=== Mga pangunahing uri ===
Kabilang sa mga pangunahing uri o gawi sa pananaliksik ang ''payak'' at ''nilapat'' na pananaliksik:<ref name=NBK/>
:* '''Basiko o payak na pananaliksik'''
::Tinatawag din itong ''puro'' o ''pundamental'' na pananaliksik na isinasagawa sa mga laboratoryo o klinikang pang-eksperimento.
:* '''Nilapat na pananaliksik'''
::Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik, o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang dito ang mga protokol (protokolo) o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na klinikal.
 
=== Iba pang mga uri ===
Kasama rin sa mga uri ng pananaliksik ang mga ''pang-akademya'', ''pang-agham'', ''pampamilihan'', ''pang-edukasyon'', ''pangkasaysayan'', ''pangwika'', at ''may pag-uugnayan ng mga disiplina'':<ref name=NBK/>
 
:* '''Pang-akademya'''
::Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.
 
:* '''Pang-agham'''
::Tinatawag din itong [[pamamaraang pang-agham]] o [[pamamaraang siyentipiko]]. Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa mga larangan ng [[biyolohiya]], [[inhinyeriya]], [[pisika]], [[kimika]], at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga [[sasakyan]], at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.
 
:* '''Pampamilihan'''
::Isa itong sangay sa larangan ng [[sikolohiya]] sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.<ref name=NBK/>
 
:* '''Pang-edukasyon'''
::May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.<ref name=NBK/>
 
:* '''Pangkasaysayan'''
::Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga [[arkeologo]].<ref name=NBK/>
 
:* '''Pangwika'''
::Tinatawag din itong ''pananaliksik na lingguwistiko'' sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.<ref name=NBK/>
 
:* '''Sa mga disiplina'''
::May isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba't ibang larangan ng mga kaalaman. Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang ''multidisiplinaryo'', ''interdisiplinaryo'', at ''transdisiplinaryo''. Sa antas na '''pang-multidisiplinaryo''' o '''maramihang mga larangan''', isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib. Sa '''interdisiplinaryo''' o '''sa pagitan ng mga larangan''', nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o pamamaraan, isang identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta. Samantala, mas lumalaktaw sa mga gawi ng mga naunang may-ugnayang panlarangang pananaliksik ang '''transdisiplinaryo''' o '''nagpapalitang (nagsasanib na) mga larangan''': sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang pagkakaisa ng mga [[epistemolohiya]], partikular na ang [[Panukala ng mga Agham Pantao]] o [[Teoriya ng Agham Pangtao]].
 
== Mga sanggunian ==
464

edits