Halo: Pagkakaiba sa mga binago

2,338 byte removed ,  6 years ago
walang buod ng pagbabago
(tingnan din)
No edit summary
:::''Para sa ibang gamit, tingnan ang [[halu-halo (paglilinaw)]].''

Sa kimika, ang isang '''halu-halo''' (Ingles: ''mixture'') ay bunga ng mekanikong pagsasama o paghahalo ng mga sustansiyang kimikal tulad ng mga elemento at kompuwesto nang walang kawing kimikal sa isa’tisa’t-isa o walang pagbabagong kimikal na kung saan nananatili ang mga katangian at lahok kimikal ng bawat sustansiyang sangkap nito. Ngayo’tNgayo’t walong pagbabagong kimikal sa isang halo-halo, ang katangiang pisikal ng isang halo-halo, tulad ng temperatura ng pagkatunaw ay maaring iba sa bawat lahok nito. Maaring mapaghiwalay-hiwalay ang mga halo-halo sa pamamagitan ng mekanikong paraan.

== Mga uri ng halo-halo ==

=== Halo-halong homogeneous ===
Ang mga halo-halong homogeneous ay mga halo-halong mayroong tiyak na komposisyon at katangian. Halimbawa, gaano man kalaki ang isang halo-halo mayroon itong iisang komposisyon at katangian tulad ng mga solusyon at ilang mga alloys (hindi lahat). Ang mga halo-halong homogenous ay matatawag ding mga “sustansiyang di-dalisay”. Ang isang halo-halong homogeneous ay may isang unipormeng halo na binubuo ng isang pase lang.Ha

=== Mga solusyon ===
Ang solusyon ay isang uri ng isang halo-halong homogeneous. Ang isang solusyon ay isang halong homogeneous ng dalawa o higit pang sustansiya (ang solute o tutunawin) na tinunaw sa isang sustansiya (ang solvent o panunaw). Ang karaniwang halimbawa nito ang isang solid na sustansiya na tutunawin sa isang likidong sustansiya tulad ng asin o asukal na tinutunaw sa tubig (o kaya’y ginto sa asoge (mercury)). Tinutunaw ang mga likido sa isa’t-isa at kung minsan ang likido ay tinutunaw sa isang gas tulad ng singaw ng tubig sa himpapawid. Ang karaniwang halimbawa ay ang mga inuming soda (tulad ng Coca-Cola at Sarsi) kung saan ang dioksido ng carbon (carbon dioxide) ay tinunaw sa soda sa pamamagitan ng carbonasyon.

=== Halo-halong heterogeneous ===
Ang mga halo-halong heterogeneous ay mga halong walang tiyak na komposisyon tulad ng granate (granite). Ang pizza ay isang halimbawa rin ng halo-halong ito. Sinasabing may iba’t-ibang pases ang halo-halong heterogeneous (huwag ikalito sa mga pase ng materya). Ang isang halimbawa na may kompososisyong heterogeneous na mekanikong mapaghihiwalay-hiwalay ay ang ensalada o halo-halong ng mga nuts.

=== Halo-halong colloidal ===
Sa karaniwan, ang isang colloid o halo-halong colloidal ay isang sustansiyang may sangkap na nasa isa o dalawang pase na kung saan ang halo ay nasa pagitan ng halo-halong homogeneous at halo-halong hetergeneous na may katangiang nasa pagitan ng dalawang ito. Ang isang colloid ay hindi maghihiwalay kapag hinayaan ito. Gulaman, halaya, pandikit o gatas ay mga halimbawa ng halo-halong colloidal.

=== Talahulugan sa ''Ingles'' ===
Di-dalisay – not pure

Halo-halo – mixture

Kawing kimikal – chemical bond

Kompuwesto - compound

Lahok – component

Pase – phase

Sangkap – ingredients

Sustansiya - substance

Temperatura ng pagkatunaw – melting point

Tiyak – definite, specific

==Tingnan din==
*[[Pagbabanto]]

[[Kategorya:Kimika]]

{{stub|Agham}}
Hindi nakikilalang mga tagagamit