Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Bilang na atomiko"

m
walang buod ng pagbabago
m (Bot: Migrating 103 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q23809 (translate me))
m
 
Sa larangan ng [[kimika]] at ng [[pisika]], ang '''bilang na atomiko''' o '''bilang ng proton''' (Aleman: ''Ordnungszahl'', Kastila: ''número atómico'', Ingles: ''atomic number'' o ''proton number'', Pranses: ''numéro atomique'') ng isang [[atomo]] ay ang bilang ng mga [[proton]] na nasa loob ng isang atomo. Ang mga [[elementong pangkimika]] ng [[talahanayang peryodiko]] ay nakalista ayon sa pagkakasunud-sunod ng atomikong bilang. Ang mga atomo ay mayroon ding mga [[elektron]] at mga [[neutron]]. Ang bilang ng mga elektron at ng mga neutron ay hindi nagpapabago sa atomikong bilang ng isang elemento. Ang [[timbang na atomiko]] (bigat na atomiko) ay hindi nagbabago ayon sa dami ng mga neutron na nasa loob ng [[nukleyus (pisika)|nukleyus]] ng atom. Ang bilang ng mga elektron ay nakapagpapabago sa [[karga]] ng atomo. Kapag ang bilang ng mga elektron ay hindi kapantay ng bilang ng mga proton, ang atomo ay tinatawag na isang [[iono]].
 
{{usbong|Kimika}}
1

edit