Buksan ang pangunahing menu

Changes

walang buod ng pagbabago
Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng 25,000 mga [[pulo]] (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo). (Silipin: [[Mga Isla ng Pasipiko]].) Marami rito ay matatagpuan sa timog ng [[ekwador]]. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang [[Dagat Selebes]], [[Dagat Korales]], [[Dagat Timog Tsina]], [[Dagat Silangang Tsina]], [[Dagat Hapon]], [[Dagat Luzon]], [[Dagat Sulu]], [[Dagat Tasman]] at [[Dagat Dilaw]]. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang [[Karagatang Indiyan]] sa kanluran at ang [[Kipot ng Magallanes]] ang nagkakabit sa Pasipiko sa [[Karagatang Atlantiko]] sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko sa [[Karagatang Artiko]].
 
Ang manunuklas na [[Portugal|Portuges]] na si [[Ferdinand Magellan]] ang nagpangalan sa karagatan. Ito ay dahil sa napansin nyang kalmado ang tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mula [[Kipot ni Magallanes]] hanggang [[Pilipinas]]. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maraming [[bagyo]] at [[hurakan]] ang tumatama sa mga isla nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mga [[bulkan]] at kadalasang niyayanig ng [[lindol]]. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig ang [[tsunami]] na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito......
 
Ang tsunami ([[daluyong]]), na dulot ng lindol sa ilalim ng tubig, ay nagdulot ng kapahamakan sa maraming mga pulo na gumunaw sa buong kabayanan.
Anonymous user